Chapter 32

955 41 23
                                    


NO

Alas kuatro palang ng umaga ay gumising na ako para mag-workout. I'm so tensed at ito ang nakagawian kong gawin para mabawasan iyon bago ang mga photo shoot noon.

Light workout lang ang ginawa ko para hindi mangalay ang binti ko mamaya sa pag-lalakad.

Patapos na akong mag-workout nang gumising si Marie upang mag-luto ng almusal. Habang ginagawa niya iyon ay naligo naman ako at inasikaso ang bagong gising na si Ceyda.

Dinala ko siya sa kusina at pinakain ng crab and egg soup at banana purée.

"Marie, maligo ka na rin habang pinapaliguan ko si Ceyda. Maya maya narito na si Yuri."

"Opo ma'am!"

Pinunasan ko ang dungis sa pisngi ni Ceyda bago siya kinarga patungo sa aming kwarto.

"M-mom! Chick!" Cute niyang bungisngis habang tinatanggalan ko siya ng damit.

"You want your rubber chicky? Okay, baby!" Hinalikan ko ang noo niya at inabot na sakanya ang hinihinging laruan.

Tuwang-tuwa siya habang pinapaliguan ko siya sa bathtub. Kung normal na araw lang ito ay paniguradong magtatagal pa kami doon kaso nga lang may lakad ang mommy.

Binibihisan ko na si Ceyda nang marinig na may papasukin si Marie sa bahay. Napangiti ako nang marinig ang boses ni Yuri.

Ilang saglit lang ay binuksan na niya ang pintuan ng kwarto at dumiretcho siya sa kama kung saan ko binibihisan si Ceyda.

"Oh my god! Hi Ceyda!!! You're so cute like your tita Yuri!" Bati niya sa aking anak.

Sinubukan naman ni Ceyda na bumangon upang makalapit sa tita.

"Baby, Mommy's still putting on your diaper!" Marahan kong saway habang patuloy naman ang pakikipag-laro ni Yuri!

"You want karga Ceyda? Come here!!" Tinapik-tapik pa ni Yuri ang kanyang hita upang engganyuhin si Ceyda!

"Sige na, magbihis kana, I. Ako nang mag-aasikaso kay Ceyda." Ngisi niya sakin.

"Okay yaya Yuri, itong pink shoes ang isusuot niya." Humalakhak ako sa kaibigan habang tinuturo ang baby shoes na nasa kama na rin.

"Opo mommy!" Humalakhak din siya sakin.

Nginusuan ko siya at inilingan habang humahakbang na patungo sa tukador. White shirt at skinny jeans lang naman ang kailangan naming isuot dahil doon na magbibihis at mag-mamake up. Nag lagay lang ako ng light make-up at mabilis na binlower ang buhok bago nag-suot ng itim na heels.

Tapos na rin bihisan ni Yuri si Ceyda nang matapos ako.

"Ano? Tara na? Better too early than too late!" Ngisi ni Yuri.

Humugot ako ng malalim na hininga bago sumagot. Medyo nagsisimula nanaman kasi akong kabahan.

"Tara na.. Baby, come to mommy first. Mag-ddrive si tata." Nakangiting lumipat sakin si Ceyda.

"I, wag ka nang kabahan.. Isipin mo nalang dress rehearsal lang yun at walang tao."

"Okay.. Kaya ko 'to!" Mariin akong pumikit at tumango.

Sabay na kaming lumabas ni Yuri sa kwarto at sinalubong ang bihis na bihis na si Marie sa sala.

"Marie, alis na tayo. Dalhin mo na ang bag ni Ceyda." Ngiti ko sa aking kasambahay.

"Opo ma'am! Naku mapapanuod ko na kayo!" Excited niyang sinabi.

Narinig ko pa ang paghalakhak ni Yuri hanggang sa makasakay kami sa elevator. At nang makarating sa parking lot ng building ay sumakay kami sa puting Tucson ni Yuri. Nakatulog pa si Ceyda sa byahe kaya nang makarating kami sa COS ay nagsimula nanamang magkulit.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon