Ang Sipol
Irene's POV
Kainis!! Bwisit!!! Nagseselos ako! Ayaw ko man aminin pero iyon ang totoo.
Sa sandali nilang pagkikita ni Ave, parang sobrang malapit na agad sila sa isa't-isa...hindi kaya ganoon talaga si Lucas sa lahat ng babaeng nakakasalamuha niya? Gaya ko? Ano bang pinagkaiba ko sa kanila? Siguro ang pagiging bulag ko. Iyon lang siguro..
Napabuntong hininga ako sa naisip.
Pero hinalikan niya ako...ang sabi niya'y ako nalang ang umintindi sa ibig sabihin noon. Paano kung magkamali ako ng intindi? Paano kung umasa lang ako sa mga pinapakita niya? Baka akala niyang mabilis akong mahuhulog dahil isa lamang akong probinsyana pero...sa tingin ko'y tama siya.
Pakiramdam ko...nahuhulog na ako.
Buong paglalakad namin pauwi ay tahimik pa din ako. Nangungulit si Lucas pero hindi ko siya pinapansin. Nagkukunwari nalang akong ngumingisi para kay Nanang dahil hindi ko alam kung tinitingnan niya ba ako o hindi.
Basta inis ako ngayon. Ayaw kong kausapin si Lucas dahil baka kung ano pa ang maisiwalat ko at lumaki ang ulo niya. Siguro nga nahuhulog na talaga ang damdamin ko pero hindi ko pa iyon aaminin sa kanya! Lalo na ngayon na mukang iisa lang ang pakikitungo niya sa mga babae. Naging magaan nga ang loob niya kay Ave eh! Ugh!
"Buls, tahimik ka yata?" Sumingit si Lucas sa gitna namin ni Nanang dahil hindi pa rin ako nagsasalita.
Umirap ako at muling di siya pinansin.
"Nang oh, si Irene. Mukang galit eh wala naman akong ginagawa!" Panunumbong ni Lucas.
Nanlaki ang mga mata ko. Lalo pa nang narinig ko ang hagikhik ni Nanang. Gustong-gusto ko nang hampasin si Lucas! Hindi ko lang magawa dahil paniguradong makakaiwas siya at lalo pa kaming tutuksuhin ni Nanang.
"N-Nang hindi po. Pagod lang po ako." Pagsisinungaling ko.
Narinig kong parang natigilan si Lucas.
"Malapit na ba tayo, Nang?" Tanong niya.
"May limang minuto pa, anak. Malapit na rin naman tayo." Marahang sagot ni Nanang.
"Kung ganoon, bubuhatin ko nalang itong si Bu-, Irene." Ramdam ko ang kapilyuhan sa tono niya.
Agad akong napasinghap! Kahit kailan ka Lucas Noire III!!
Napatili ako nang maramdaman ang kamay ni Lucas. Agad akong umiwas sa kanya habang pinapakinggan ang tawa ni Nanang.
"Lucas! Ano ba!" Saway ko habang kumakapit sa braso ni Nanang.
"Oh? Ang sabi mo, pagod kana? Edi bubuhatin nalang kita para di ka mapagod at nang pansinin mo na ako!"
"Ang sabi ni Nanang malapit na, di'ba?" Singhal ko sa kanya.
"Baka mapagod ka lalo, malimutan mo na ako." Aniya sabay halakhak.
Kumunot ang noo ko! Kung nakakakita lang talaga ako ay kanina ko pa siya pinatay sa tingin! Hindi ba niya alam na kasama namin si Nanang! Naku naman!
"Aba'y mas lalo tayong matatagalan sa kulitan niyong dalawa. Irene, anak, magpapabuhat ka ba kay Lucas o hindi?" Agad akong napalingon kay Nanang.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...