Chapter 46

969 42 13
                                    


~ hola! I'm back! Never leaving again! Niyahah ~

Future

Pinanuod kong mahimbing na natutulog si Ceyda at nang nakitang tuluyan nang lumalim ang tulog niya ay saka ako lumabas ng kwarto para tingnan si Lucas.

Bumaba ako sa may sala at naabutang nag-uusap sila nila Kuya Mike. Napatalon si Marie nang makita niya at hindi ko napigilang matawa nang yakapin niya ako bigla.

"Totoo po ba mam? Dito na kayo titira?!" Lubos ang galak niyang sinabi.

Nginisian ko siya at tinaasan ng kilay.

"Sinong may sabi?" Panunuya ko sabay sulyap kay Lucas.

"S-si ser Lucas po." Nahihiyang tugon ni Marie.

"Pero..Hindi pa namin napag-usapan yan-" naputol ang pag-sasalita ko nang bigla akong hilahin ni Lucas patungo sa kanyang dibdib!

Nag-init ang pisngi ko nang marinig ang paimpit na hiyaw ni Marie at ang pasimpleng pag-ubo ng dalawang body guards niya sa paligid! Maski si Kuya Mike ay nangingiti rin!

"Kailangan pa bang pag-usapan yan, hmm? Sakin ka rin naman sa huli." Bulong niya.

Nakagat ko ang labi ko at nahihiyang lumingon sa kanya. Nginingisian lang ako ng bakulaw! At nang makita ko ang reaksyon nila Marie ay nagawa ko nang itulak si Lucas nang pasimple.

"Ay! Kainggit si Mam!" Kinikilig na sambit ni Marie. Inilingan ko naman siya at sinenyasan dahil nahihiya ako sa pangaasar niya.

"So, okay ba kayo sa napag-usapan natin?" Preskong sinabi ni Lucas.

"Opo ser. Wag po kayong mag-alala dahil ayos na ayos samin ang desisyon niyo." Ngisi ni kuya Mike.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila.

"T-teka.. Anong pinagusapan niyo?" Takang tanong ko.

Humarap sakin si Lucas at marahang yumuko upang itapat ang kaniyang mukha sakin.

"I'll tell you in our room. Balik kana muna doon, nag-aalala ako sa anak natin." Bulong niyang nagpatindig sa balahibo ko. "Susunod ako pagkatapos ko silang ihatid sa kwarto nila. Don't worry, it won't take long." Bulong niya pa!

Napakurap-kurap naman ako lalo pa nang marinig ang tili ni Marie.

Hindi pa rin matanggal ang ngisi ni Lucas hanggang sa inguso niya sakin ang hagdan! At wala sa sarili naman akong sumunod.

Nakahinga ako ng malalim nang muling makapasok sa kwarto kung nasaan si Ceyda.

Ibang klase talaga ang Lucas na 'yon! Hindi kaya may pinainom siya sakin noong bulag ako kaya ganito nalang ako kung sumunod sa kanya?!

Umiling ako at winaglit ang nasa isip. Wala pa ang maleta ko rito sa kwarto at medyo naiinitan na ako sa suot ko kaya tahimik akong lumapit sa isang drawer para humanap ng damit ngunit pag-bukas ko ay isa pala 'yong koleksyon ng mga relo! Halos malula ako sa dami nito!

Sinara kong muli ang drawer na puno ng kumikintab na relo at nagpatuloy sa paghahanap. Isang sliding door ang nabuksan ko at napangiti ako nang makitang isa iyong walk-in closet. Humakbang ako sa loob upang maghanap ng tshirt.

Hindi naman siguro magagalit ang bakulaw na iyon kung manghihiram ako.

Hmm.. At talaga palang mamahalin ang mga damit niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang yabang niya noon.

Ilang sandali pa ay sawakas, nakita ko rin ang drawer ng kanyang mga tshirt. Ngumiti ako nang maamoy ang bango niya mula doon.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon