Ang Simula
Irene's POV
"Coco, yan ka nanaman, inaaway mo nanaman si Kikai!" Ngumuso ako at nag-tapon pa ng mga butil bigas sa ibang parte ng lupa.
Narinig ko ang pag-punta doon ng ilang manok. Rinig na rinig ko rin ang masayang pag-tilaok ni Coco.
"Gusto mo talaga yatang mag-isa, Coco, ano? Gusto mong magaya sakin??" Nanunuya kong tanong sa alaga kong manok.
Kinapa ko ang malaking ugat ng aming puno at naupo roon habang nakikinig sa pag-kain ng mga manok. Ilang sandali pa ay umakyat na si Coco sa aking hita. Hindi ko napigilang tumawa habang kumukuha pa ng bigas sa bulsa ng aking apron para ipakain kay Coco. Medyo spoiled talaga ang isang ito.
"Ikaw talaga, Coco." Saway ko sa kanya ngunit sa huli ay hinagod ko nalang ang likod niya.
Gaya ng mga tipikal na araw sa aking buhay, normal na para sakin na kausapin ang mga alaga kong manok. Masaya naman sila kasama kaya hindi ko kayang mag-reklamo. Pero hindi naman siguro masama humiling ng kausap na sasagot din sa'yo.
Napabuntong hininga ako kasabay ng pang-umagang hangin.
"Anak, nariyan ka nanaman sa labas? Hindi ba't sabi ko sa'yo ay huwag kang lalabas nang hindi ako kasama? Aba'y..n-nag-pakain ka pa ng manok?" Nag-aalala ang boses ni Nanang.
Narinig ko ang yapak niya palapit at ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang hawak niya sakin.
Napangiti ako doon.
"Nang, sabi ko naman po sainyo, kaya ko na po." Pinababa niya si Coco sa aking kandungan at inalalayan akong tumayo.
"Paano kung matapilok ka? O di kaya mabunggo? Anak, makinig ka sa Nanang mo. Hayaan mo na akong gumawa niyan." Malambing niyang sinabi.
"Nanang naman.. Bulag lang po ako at hindi baldado. Kung hindi ko kayo tutulungan ay baka mapagod kayo masyado! Nadiligan ko na nga po ang halaman eh! Kung hahayaan mo po ako Nang, mas masasanay po ako kaya sige na po please, payagan niyo na po akong tumulong.." Ngumuso ako.
Natigil si Nanang sa aming pag-hakbang patungo sa bahay. Ilang sandali pa ay narinig ko ang buntong hininga niya.
"Sigurado ka ba, Irene, anak?" Tanong niya.
Ngumiti naman ako at tumango.
"Opo! Nababagot na rin po ako sa bahay, Nang. Lalo na't wala na po akong dinadalaw sa kabilang baryo." Malungkot kong sinabi ang huli.
Hinagod ni Nanang ang likod ko.
"Kung ganoon, sige, pumapayag na ako. Pero hindi muna sa ngayon. Papagawan muna kita ng tungkod kay Mang Renato o di kaya'y kay Enteng, anak." Masaya ang kanyang tono.
"Talaga po Nanang?"
"Kung ano ang gusto mo, ibibigay ko sa'yo, anak." Aniya at hindi ko na napigilan pang yakapin siya.
Labis ang saya ko dahil pakiramdam ko ay mas nagiging normal na ang buhay ko.
Ang buhay ko bilang isang bulag...
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...