Chapter 24

880 32 20
                                    

Ang Dagat

Irene's POV

"Lucas! Mag-salita ka naman oh! Kinakabahan ako!" Magkasalikop ang dalawa kong kamay na nailagay ko sa aking dibdib dahil sa kaba.

"Lucas!" Sigaw ko pa at hahakbang na sana palapit sa puno ng buko ngunit narinig ko ang halakhak niya.

"Op! Stay there Buls, baka mahulugan ka nitong buko! Magka-amnesia ka pa tapos malimutan mo ako.." Iyon lang ang nakapag-pasalita sa kanya!

"Kainis ka naman Lucas! Pinapakaba mo ako!" Humalukipkip ako habang inaantay ang pag-baba niya.

"Ah!"

"Lucas?!!" Alalang sigaw ko ngunit humalakhak nanaman ang pilyong Lucas na iyan!

Ngumuso ako at sininghalan siya!

"Bumaba ka na kasi riyan! Sabi na si kuya Enteng nalang ang paakyatin natin eh! Ang kulit-kulit mo!"

"Opo, ito na nga po oh bababa na. Di ka lang ata makatiis na malayo ako eh." Bulong-bulong niya.

Pinigilan ko naman ang pag-ngiti ko habang pinapakinggan ang pag-baba niya mula sa puno ng buko. Ang alam ko'y mataas iyon kaya natatakot talaga ako para kay Lucas nang nagprisinta siyang aakyat ng buko dahil gusto kong matikman niya iyon.

Nang marinig ko ang lagapak ng paa niya sa lupa ay humakbang na ako palapit sa kanya. Napatalon ako nang bigla niya akong yakapin.

"You don't have to worry about me, okay? I'll always be here for you baby.." Bulong niya sa gitna ng yakap.

"Natatakot lang ako kasi baka mahulog ka."

"Come here.." Aniya sabay upo sa bandang paahan ko.

"Lucas! A-anong gagawin mo?!" Saway ko ngunit hindi ko na napigilang mapaupo sa kanyang balikat at iangat niya akong ganoon ang ayos!

"Ganyan lang kababa ang buko na inakyat ko." Humalakhak siya nang maramdaman kong mababa nga lang ang buko na iyon!

Ngumuso naman ako at sinabunutan siya!

"Bakit ka nagbibiro ng ganoon! Alam mo bang sobra akong kinabahan! Ang akala ko'y sobrang taas mo!" Sabi ko habang iniinda niya ang pag-sabunot na ginagawa ko habang binababa niya ako sa lupa!

"Gusto mo bang mamatay ako Buls?! Ni wala ngang sanga yan paano ako aakyat?" Nag-init ang pisngi ko at ilang sandali pa ay hindi ko na napigilang humalakhak!

"Bakit ba kasi lagi mo nalang inaagaw ang pwedeng gawin ni kuya Enteng! Hayaan mo na kasi na siya ang gumawa niyan!" Sabi ko habang pinapakiramdaman ang pag-pulot niya sa buko.

Natigilan ako nang ibigay niya ito sakin at nang alugin ko ito ay...

"Kita mo na! Hindi ka marunong! Niyog na ito!" Humalakhak muli ako.

Tumikhim naman si Lucas, tila nalulungkot sa kinalabasan ng "pag-akyat" niya sa mababang puno ng buko.

"Pero...okay na rin ito. Gagawa nalang ako ng ginataang mais! Si Kuya Enteng nalang ang pakuhain natin ng buko sa susunod.. Ayaw ko na ikaw ang umakyat doon dahil hindi ko ata kakayanin na may mangyari sa'yo, Lucas... Hindi ko kakayanin ang kabang naidudulot nito sa'kin."

Napapasinghap si Lucas nang sabihin ko iyon. Ilang sandali pa ay hinawakan na niya ang kamay ko.

"'Lika na? Lutuan mo na ako ng ginataang mais?"

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon