Chapter 43

846 35 16
                                    


Stop

"Ma.."

Tumigil ang mundo ko nang muling tawagin ni Lucas ang babaeng nasa harap namin ngayon.

Pilit kong inagaw pabalik ang aking kamay mula sa kanya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sakin.

"Irene..w-what's the meaning of this?"

Napalunok ako at napatingin kay Lucas. Gusto ko siyang singhalan dahil ayaw niya pa rin akong bitawan pero mas nakukuha ni mama ang atensyon ko.

Hirap na hirap akong umiling. Tila nauubusan ako ng mga salita kaya wala akong maisagot.

"Lucas, what is she doing here?" Nag-aalalang tanong ni mama.

"Ma, we need to talk to you." Sagot ni Lucas.

Mabilis akong napailing. Sa ikatlong pagkakataon ay inagaw ko ang kamay ko kay Lucas at nag-tagumpay ako.

"N-No.. A-andito lang po ako para mag-paalam. H-hindi na rin po ako magtatagal."

"Irene!" Saway sakin ni Lucas ngunit hindi ko siya pinansin.

"Hindi ko po sinasadyang magkita kaming dalawa. Lalayo na po ako ulit."

"Ano? Hindi mo sinasadya pero ako, sinasadya ko! I made this happen Irene! Kaya hindi ka pwedeng umalis nalang uli. Specially if you don't really want to!" Hinawakan ni Lucas ang braso ko ngunit kinausap ko siya gamit ang aking mga mata...

Na tumigil na siya!

Marahan akong umiling kasabay ng muling pagbawi ng braso ko mula sa kanya.

"Lucas! Will you stop it? What will Coleen say if he sees you like this?" Sambit ni mama kay Lucas.

"Ma! You know who I love and it's not her." Mariing sagot ni Lucas.

"No! That's impossible! You're with Coleen for the past few years! How can you not love her?"

Napayuko ako habang nagkikinig sa kanila. Gusto ko nalang magpakain sa lupa at tuluyang mawala dahil sa kahihiyan. Lumunok ako at sinulyapan si Lucas, nakatingin din siya sakin. Iniwas ko ang paningin ko at tiningnan si Mama.

Talaga palang napakaganda niya. Iyon nga lang ay sandali ko lang itong makikita.

"U-Um..mauuna na p-" Pagpapaalam kong naputol dahil sa biglang pag-sasalita ni Lucas.

"Because she's the one that I love." Napapaos niyang sinabi.

Napasinghap ako. Lalo pa nang humakbang siya palapit at hawakan ang kamay ko habang nakatingin kay mama.

Umawang ang bibig ni mama. Kitang-kita ko kung gaano siya hindi makapaniwala sa narinig. At kitang-kita ko rin ang pagsibol ng galit at pag-aalala sa kanyang mukha.

Mariin siyang humakbang palapit samin. Labis ang kaba ko habang pinapanuod siyang hawakan ang braso namin ni Lucas at mariing pag-hiwalayin ang kamay naming magkahawak.

"I won't allow this!" Singhal samin ni mama.

Napapikit ako dahil doon. Ang lalamunan ko ay tila hinarangan ng sandamakmak na bato dahil hirap na hirap akong lumunok. Nag-iinit ang luha sa gilid ng aking mga mata at alam kong kaunti nalang ay mahuhulog na ito.

"Irene, umalis ka na. I'll talk to him." Marahang utos sakin ni mama.

Wala sa sarili akong tumango. Ni hindi ako makatingin sa kanya.

"O-opo.." Nasabi ko bago tuluyang humakbang palapit sa pinto. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay muli nang nagsalita si Lucas.

"Bakit, ma? Dahil mag-kapatid kami? Dahil anak mo siya sa ibang lalaki? Tito Brian to be exact."

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon