Ang Unang Sayaw
Irene's POV
"Hey...okay ka lang ba? Anong nangyari?" Bulong sakin ni Lucas habang marahang pinipisil ang braso ko.
Wala sa sarili akong napatango habang nakikinig sa mga hinaing ni Ave.
"Carlos! Mabuti naman at bumalik ka na! Nung nakita kita sa Manila, masyado kang busy para pansinin ako... Magtatagal ka ba dito?"
"Oo Ave. I'll stay here for a while." Rinig kong sabi ni Carlos saka bumuntong hininga.
"Irene. May ginawa ba siyang masama sayo? Umamin ka." Mariing sabi ni Lucas.
"Teka lang pare, tama ba ang rinig ko? Who do you think you are?" Tumaas ang boses ni Carlos.
Ramdam ko ang galit o inis sa kilos ni Lucas na ngayon ay nasa aking harap kaya agad kong hinanap ang braso niya. Hindi ko alam kung bakit pero talagang kinakabahan ako! Hindi ako sanay nang ganito siya.
"I'm talking to her, not you." Matigas na ingles na sabi ni Lucas.
"But you are accusing me that I did something wrong to her! I guess you should talk to me too."
"Lucas, walang ginawang masama si Carlos. Tinutulungan niya lang ako sa natapon na pagkain sakin." Kalmado kong sinabi.
"Yeah, and instead of blabbering, you should atleast help her first! Halika na, Irene. Sa bahay ka nalang magpalit ng damit." Hinawakan ni Carlos ang palapulsuhan ko pero agad din itong binawi ni Lucas!
"Ano?! Sa bahay niyo magbibihis? As if I'd let that happen!" Galit na singhal ni Lucas.
"Carlos! Lucas! Ano ba kayong dalawa? Ako na! Ako na ang tutulong sa kanya!" Mas malakas na singhal ni Ave saka ako hinila palayo sa dalawa! "Kahit kailan ka talaga! Paimportante!" Bulong bulong niya habang hininila ako.
"Ave...hindi mo naman na kailangan gawin to. Ilapit mo nalang ako kay Nanang..." Sabi ko pero tuloy pa rin siya sa paghila sakin.
"Wag na! Nagpapapansin ka lang sa dalawa! Magbihis ka na agad para matapos na." Masungit niyang sinabi.
"Avenna! Natapunan ako ng pagkain! Hindi ko iyon sinasadya!"
"Pwede ba Irene? Kung wala ka talagang intensyon magpapansin, patunayan mo sa kilos mo! Gaya ka pa rin talaga ng dati! Magbihis kana nga diyan!" Singhal niya sakin bago ako tinulak papasok ng isang kwarto. Ramdam kong nasa kanilang bahay na kami.
Natahimik ako sa isang tabi habang hinahaplos ang palapulsuhan kong medyo sumakit sa paghila niya. Narinig ko ang pagtunog ng mga drawer bago niya tinapon sa akin ang isang bestida. Agad ko iyong nasalo. Isang spaghetti-strap na bestida.
"Enteng! Antayin mong makalabas si Irene! Ihatid mo sa hardin pagkatapos!" Utos niya bago padabog na sinara ang pinto.
Napabuntong hininga ako. Habang kinakapa ang hawak na bestida ay unti-unting nagbalik sa aking alaala ang mga nangyari anim na taon na ang nakalipas.
Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Napabuntong hininga ako habang binabalikan ang nakaraan...
Si Avenna at ako ay dating matalik na mag-kaibigan. Kahit na noong mga bata pa kami ay hilig niya ang awayin ako, siya pa rin ang nagiging kalaro ko kapag pumupunta kami ni Nanang sa tapisan.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...