Warning: SPG (lenggwahe)
Suntok
Alas sais na ng gabi nang makaalis kami sa kanilang mansyon upang tumungo sa airport. At wala pang isang oras ay namimiss ko na agad ang kanilang lugar.
Ipapasyal ko rito si Ceyda kapag medyo malaki na siya. Hindi gaya ko, gusto kong mabusog ang paningin niya sa iba't-ibang bagay at lugar. Gusto kong maranasan niya iyong mga hindi ko naranasan noon dahil sa kalagayan ko.
Don't worry baby, pauwi na si mommy!
Pero sana ay huwag kang magulat na may kasama ang mommy mo. Well, sila pa nga ni LA ang mas unang nagkakilala kaysa samin at natatandaan kong nagustuhan siya ni Ceyda!
Nangiti ako nang maalala iyong una nilang pagkikita sa mall. Sunod ay sumandal ako sa balikat ni LA na nakapikit naman sa tabi ko. Tatlong oras na rin kami sa himpapawid at labing isang oras nalang ay makakasama ko nang muli ang aking anghel.
Uminat si LA at namalayan ko nalang ay pasimple na niya akong inakbayan! Nang tingnan ko siya ay nakapikit pa rin siya kaya naman ay pasimple akong tumawa.
"Irene.." Muli ko siyang nilingon nang bumulong siya.
"Hmm?"
"Mahal kita.."
Kinikilig akong humagikhik! Nakakainis naman ito! Bakit parang kinikiliti ang tagiliran ko?
"Asan ang sagot mo? I demand for an answer." Napapaos niyang singhal dahil medyo galing siya sa idlip.
Muli akong tumawa bago pinisil ang pisngi niya.
"Napaka-bossy mo talaga! Mahal din kita, mr. LA Gonzalo!" Ngiti ko at mas lalo pa iyong lumapad nang tuluyan niya akong yakapin.
Dahil sa yakap na iyon ay medyo naging mahimbing ang tulog ko sa eroplano. Nagising nalang ako nang nag-landing na ito.
Hiniram kong muli ang cellphone ni LA nang makasakay kami sa kotse. Babalitaan ko si Yuri na gaya ng gusto niya ay nakabalik na ako ng Pilipinas.
Ngayon ay numero na ng mismong telepono sa bahay ang tinipa ko dahil nasa Pinas na kami.
Ilang ring lang ay sumagot na si Marie na mukang galing pa sa tulog.
"Hello po? Sino po sila?"
"Marie, si Irene to."
"Irene? Ay naku! Ay ma'am! Ikaw po pala yan! Ano po yun ma'am?"
Napahalakhak ako dahil bigla siyang nagising.
"Wala naman, pasensya na kung medyo maaga ha? Pero pwede bang mag-handa ka ng breakfast? Malapit na ako sa bahay at kasama ko yung boss ko."
Tinusok ni LA ang tigiliran ko gamit ang kanyang daliri pero nginisian ko lamang siya.
"Opo naman po ma'am! Alas otso naman na rin po! Buti po malapit na kayo ma'am! Miss na namin kayo ni Ceyda! Ingat po kayo ma'am!"
"Thanks Marie!"
~"Marie? Sino yan?"~ narinig ko ang boses ni Yuri sa background.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...