Ang Tae ng Kalabaw
Lucas' POV
"Hindi pa kita inaalipin, Lucas.. Pabor pa lang ang pinapagawa ko sa'yo."
She's been asking me to do things.. At sinusunod ko naman? Like a crazy dog following his master! Damn.
Whatever she asks I'll follow, kaya ako narito..
"Ano Lucas? Pagod ka na yata eh!" I saw her playful smile.
Napailing ako sa sarili kong ngisi. Yan ba, Lucas? Yan ba ang nag-papasunod sa'yo? I wanna laugh at myself but I can't because it's true.
"Mag-antay ka, Buls!"
Ngumuso siya nang marinig niya ang tawag ko sa kanya. She hates it, but I find it cute. Buls..
Short for bullseye..
Natamaan yata ako eh.
Hinubad ko ang puting tshirt ko at sinabit sa balikat. Pinag-patuloy ko ang pag-huhukay ng kung ano mang pinapakuha sakin ng babaeng iyon.
Kamote at Gabi.
Nasa gitna ako ng mainit na bukid habang nakaupo sa malaking ugat ng puno si Irene..well, I can't say that she's watching me..but the mere fact that she's waiting for me makes me want to do this more.
Ang gawin ang utos niya.
Halos puro putik na ang suot kong sapatos, pati ang pantalon ko ay madumi na. Tumatagaktak na rin ang pawis sa aking katawan hanggang sa napangiti ako nang makakita ng bunga mula sa lupa.
Binunot ko ang mga iyon at nang makakuha ng tamang bilang ay dinala ko iyon kay Irene.
"Is this fine?" Tanong ko.
Napakurap-kurap siya at saka nag-mamadaling tumayo.
"T-tapos kana? H-Hindi ka nahirapan mag-hukay?"
Tumaas ang kilay ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako..lampa?" Nanunuya kong tanong sa kanya at nakita ko ang pag-pula ng pisngi niya.
"Ilapit mo sakin yang mga nakuha mo, Lucas." Napangisi ako nang ibahin niya ang usapan.
Ginawa ko ang gusto niya, iminuwestra ko ang hawak kong mga bunga at agad niya iyong kinapa. Nakangiti siya noong una, tila sabik dahil may taga-kuha na siya ng bunga sa lupa. Pero ilang sandali lang ay umasim ang mukha niya!
Umawang ang labi ko.
"Why? Is there a problem?"
"Hilaw kasi lahat ang kinuha mo, Lucas."
"Ano? Paano mo nalaman? Nakikita ko, Irene, maganda 'tong kinuha ko!" Pinag-laban ko ang sarili ko dahil ayoko nang bumalik sa maputik at mainit na bukid na iyon!
Tinawanan niya lang ako! Uminit ang pisngi ko dahil pakiramdam ko napahiya ako!
"Kaya pala hindi ka nahirapan kasi mababaw lang ang hukay mo." Aniya pa habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...