Chapter 28

887 33 35
                                    

Ang Pagkikita

Irene's POV

Pakiramdam ko ay hindi pa umabot ng limang oras ang tulog ko dahil sa sobrang paninibago. Namimiss ko si Nanang.. Malambot ang kama.. Malayo sa bahay.. Hindi din pala masarap sa pakiramdam iyon..

Bumangon ako mula sa kama at kinapa ang baso ng tubig sa maliit na mesang katabi lang nito. Uminom ako mula doon bago tumayo at kinapa ang daan palapit sa upuan kung saan natulog si Carlos.

Ilang hakbang lang ay bumangga na ang tuhod ko sa kung anong bagay dahilan nang bigla kong pagkatumba!!

"Ahh!" Tili ko nang paharap akong bumagsak!

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang bisig na pumulupot sa aking bewang. Hingal kong kinapa ang aking pinagbagsakan.

"Irene.."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang napakalapit na boses ni Carlos!!

Nakagat ko ang labi ko nang tuluyang makapa ang kanyang balikat at dibdib!

Natumba ako sa kanya!!

"C-Carlos...s-sorry!" Sabi ko habang nagkukumahog na umaayos ng tayo.

"It's still early.." Napapaos niyang sinabi.

Nahihiya akong tumango.

"H-hindi na kasi ako makatulog.. Medyo, namamahay ako." Hilaw akong tumawa.

Narinig ko ang pag-inat at pag-tayo niya.

"Okay then, gagawan nalang kita ng almusal. Gutom ka na ba?" Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa tanong niya..

Gutom ka na ba mahal kong anghel?

Napangiti ako bago tumango.

Sinama ako ni Carlos sa kanyang kusina at pinaupo sa tapat ng mesa. Hinayaan niya akong makinig sa pag-luluto niya.

"Mm..Carlos, paano pala nakilala ng mga kaibigan mo si Lucas?" Tanong ko habang nilalanghap ang mabangong amoy ng niluluto niya.

"Kilalang-kilala ang pamilya nila dito, I. They own a big company. Hindi ba siya nagkukwento tungkol sa pamilya niya?" Sagot ni Carlos.

Napanguso ako.

"H-Hindi rin naman ako nagtanong..."

"And you think it's serious? Your relationship with him-"

"Carlos...please."

Marahas siyang bumuntong hininga. Maiksing katahimikan ang bumalot samin bago siya muling nagsalita.

"I, gusto ko lang na pag-isipan mong mabuti ang lahat.. Sa tingin mo bakit tayo narito ngayon? Mayaman si Lucas, I.. Bakit hindi siya nakagawa ng paraan para balikan ka?"

Nanghina ako sa sinabi ni Carlos. Malaki ang punto niya..sobra. Ngunit hindi ako basta-basta pwedeng sumuko..

Bumuntong hininga ako at hinaplos ang aking tiyan...

Hindi talaga pwede..

"Naniniwala akong may dahilan si Lucas, Carlos.. At handa akong pakinggan siya." Pagod akong ngumiti.

Tahimik na si Carlos hanggang sa maluto niya ang pagkain na pancakes ang tawag. Pati sa pagkain namin ay tipid lang din ang pagsasalita niya. Nabahala tuloy ako...pakiramdam ko masyado na akong nagiging malupit kay Carlos.

"Carlos.."

"Mm?"

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin.."

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon