Chapter 40

955 37 35
                                    


Beg

Panay ang punas ko ng aking luha nang pumasok si Yuri sa kwarto. Pinagpatuloy ko ang pag-bibigay ng laruan kay Ceyda habang pinapakiramdaman ang pag-hakbang ni Yuri palapit sa kama.

"I... Sorry, hindi ko napigilan si Carlos." Malungkot niyang sinabi nang makaupo siya sa tabi ko.

Kumuha siya ng laruan at iminuwestra rin kay Ceyda na panay ang ngiti.

"Tama rin naman ang ginawa ni Carlos.. H-hindi na iyon dapat patagalin pa."

"I met Lucas sa isang bar noon dito sa Manila. That was 6 years ago, I think. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. But we were never able to talk dahil iba naman ang circle of friends namin. I just know him dahil siya din ang topic samin. But that was a blurry 6 years ago! Kaya nito ko lang naalala at kay Carlos ko unang nasabi na siya ang boss mo." Bumuntong hininga siya. "And I was shocked with Carlos' reaction! Galit na galit siya noong sinabi ko iyon. Hindi ko inakalang magiging ganito siya ngayon."

Pagod akong ngumiti.

"It's not your fault, Yuri. Natural lang na ganoon ang maging reaksyon ni Carlos dahil kung alam ko rin kung sino talaga siya ay baka...hindi na umabot pa sa ganto."

"I.. He's Ceyda's daddy. Bakit hindi mo sabihin sa kanya? What's the big deal? Kung noon ay sumama siya sa ex niya eh bakit ngayon parang kulang nalang makapatay rin siya makasama ka lang?" Napayuko ako at napatingin kay Ceyda.

"I-It's not that simple.. Kasal na siya, Yuri."

"Kasal? Obviously he's not! Hinahabol-habol ka nung tao tapos nag-panggap pa bilang total stranger para lang makasama ka, Irene! I don't think a married man with his kind of features could do that! Kung talagang may asawa siya, siguradong bantay sarado yan!"

Kasal... Asawa...

Kasal kay Coleen Ruiz, sa unang babae sa buhay niya. Iyon ang huli kong balita bago ko pinutol ang lahat ng ugnayan ko kay Mama.

Kung hindi dumating si Ceyda sa buhay ko ay baka noon palang ay sumuko na ako at hindi na nag-patuloy pa.

"H-hindi ko alam..Baka hindi gaanong mahigpit si Coleen."

"Coleen? Wait... You mean Coleen Ruiz? That rich brattynella slash bitch? I know she's connected to Lucas but I'm 100% sure they're not married!"

Bigla akong natigilan. Pakiramdam ko ay biglang may sumilay na pag-asa sa aking puso na agad ding nabura.

Maling-mali Irene!

Maling-mali iyang umaasa ka nanaman ulit!

Pagod akong ngumiti at umiling. Agad kong pinunasan ang luhang tumakas mula sa aking mata.

"Hindi na importante 'yan. Hindi ko na dapat pang pakialaman."

"Irene naririnig mo ba ang sarili mo? Lucas is Ceyda's father, single, mayaman, gwapo and most of all, mahal ka! Ano pa bang inaantay mo? This is the perfect time to tell him the truth!"

Humikbi ako sa sinabi ni Yuri.

"I can't..."

"Why? Wag mong sabihing hindi mo siya mahal? Halos malimutan mo na kami dito nung mag-kasama kayo sa Barcelona! At! Nakita ko kayong magka-holding hands! You don't just hold hands with a random guy, I. Kilala kita!"

"N-No... I really can't.."

"Then why?! Nalaman mo lang na siya si Lucas hindi na? Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

Gumapang palapit sakin si Ceyda at umupo sa aking hita. Agad ko siyang kinarga at niyakap.

"Dahil m-mag-kapatid kaming dalawa.." Sambit ko bago tumingin kay Yuri.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon