Ang Tapis
Irene's POV
Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Alam ko iyon dahil nang kapain ko ang gilid ko ay wala na si Nanang.
Ang totoo kasi hindi ko alam kung anong oras kami pumasok ni Lucas sa bahay. Kahit pa hindi kami gaano nag-usap at hawak-hawak niya lang ang kamay ko, naging kumportable ako sa tabi niya sa mga oras na iyon. Bagay na hindi ko inaasahan..
Tuloy, pareho kaming napuyat.
Bumangon ako at sinuklay ang buhok bago dumiretcho sa kusina upang gawin ang aking pang-umagang gawain.
"Nang?" Tinawag ko si Nanang habang nag-lalakad.
"Magandang umaga anak..magtutungo muna ako sa bayan para mamili ha? Nariyan na sa lamesa ang pagkain niyo ni Lucas para sa tanghalian. Babalik rin ako kaagad." Sagot ni Nanang. Naririnig ko ang mumunting ingay na nagagawa ng kanyang supot at bayong mula sa sala. Mukang nag-hahanda na talaga siya para sa pag-alis.
Lumingon ako sa banda niya at tumango.
"Anong oras na po, Nanang? Nasan po si Lucas?" Tanong ko sa kanya bago nag-patuloy sa pag-hakbang.
"Alas-Dyis na anak. Si Lucas tulog parin sa kwarto niya..mukang napuyat kayo kagabi ha?" Sabi ni Nanang.
Nag-init ang pisngi ko. Alam ni Nanang na mag-kasama kami ni Lucas sa labas kagabi?? Alam niyang napuyat kami??
"P-Paano niyo po nalaman, Nanang?"
Narinig ko ang mumunting hagikhik niya. Mas lalo akong nahiya.
"Medyo nagising ako anak, noong hinatid ka ni Lucas sa tabi ko."
"T-Talaga po?"
"Mm.. Nakita ko pa nga ang gwapo niyang ngiti anak.." Aniya at humagikhik. "Hala, mauuna na ako ha? At baka inaantay na ako ni Mang Berting mo."
Pilit akong ngumiti at tumango.
"Ingat po Nanang.." Sambit ko pa bago narinig ang kanyang pag-alis.
Nag-init ang pisngi ko habang naiisip ang kagabi. Nakakahiya kay Nanang! Pero bakit ka naman mahihiya Irene? Mag-kasama lang naman kayo ni Lucas dahil pareho kayong hindi makatulog..
Nagpahangin lang kayo sa labas...at mag-kahawak ang kamay..
Ugh!
Pakiramdam ko kulang ang hilamos na ginawa ko para mahimasmasan. Bumuntong hininga ako at humakbang na patungo sa kwarto ni Lucas mula sa kusina.
Wala rin naman akong magagawa. Mag-kasama kami sa bahay kaya kailangan ko siyang harapin ano man itong nararamdaman ko. Bakit ko pa ipagpapa-mamaya kung pwedeng ngayon na? Isa pa, mas maigi kung kikilos ako na parang normal lang! Tama!
Huminga ako ng malalim bago hinawakan ang kurtinang pintuan ng kwarto niya at tinabig ito. Tahimik ang paligid.. Pakiramdam ko ay talagang tulog pa siya.
"Lucas?" Mahina ko siyang tinawag ngunit wala akong nakuhang sagot.
Umubo ako nang marahan bago siya muling tinawag ngunit gaya kanina ay hindi pa rin sumagot o gumalaw man lang.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...