Ang Duyan
Irene's POV
Nakakainis! Sinabi ko kay Lucas na nagseselos ako. Inamin ko iyon! Buong araw ko pa iyon pinagisipan hanggang sa nanibago ako sa kanya kahapon ng hapon. Nagsisi pa nga ako na pinakilala ko sa kanya si Coco dahil galit talaga ang manok ko na iyon sa mga lalaki. (Hinabol niya pa minsan si kuya Enteng).
Pero ang nakakainis ay pagkatapos kong aminin iyon ay narito nanaman si Ave! Kasama namin sa hapag na kumakain! Nilutuan ko na si Lucas kaya naman nagtataka ako kung bakit pa siya narito!
"Si Lucas mismo ang nagpabalik sakin, Irene! Kung gusto niya bakit mo ako pinagbabawalan? Sino ka ba?" Masungit na sabi sakin ni Ave nang tanungin ko siya kanina.
Si Lucas. Siya pala ang nagpabalik kay Ave! Kaya ngayon ay nagsisisi ako sa inamin ko kahapon!
"Lucas, ikaw na ang maghugas ng mga plato. Magdidilig lang ako sa labas." Tumayo na ako pagkatapos kong kumain.
"Sure! Kami na dito Irene." Si Ave ang sumagot.
"Irene, pwede mo naman akong antayin matapos at tutulungan kita sa labas." Natigil ako sa pagtalikod sa kanila.
"Hindi na, baka mainitan ka pa. Dito ka nalang, mukang tutulungan ka naman ni Ave." Tamad kong sagot saka naglakad palabas. Hindi ko na inantay pa ang isasagot nila.
Kumuha ako ng timba at pinuno iyon ng tubig galing sa poso. Nang mapuno ay buong lakas ko iyong binuhat palapit sa mga halamang bulaklak namin ni Nanang. Inubos ko ang oras ko sa pagdidilig.
Nakarinig ako ng tili mula sa loob ng bahay at agad akong nairita!
"Lucas naman, nababasa ako!" Hagikhik ni Ave mula sa loob.
Padabog kong binaba ang dalang timba at nagpunta nalang sa likod bahay! Nakakawalang gana talaga! Nakakainis!
Agad na lumapit sakin si Coco kasama ang iilang manok. Alam kong si Coco iyon dahil kakaiba talaga ang tunog niya kung ikukumpara sa normal na mga manok.
Kinapa ko ang lalagyan ng kanilang pagkain at binigyan ko sila. Pinuno ko naman ng feeds ang aking kamay at umupo pababa upang doon yun mismo tukain ni Coco. Hindi ko mapigilang mangiti dahil nakikiliti ako sa pagtuka niya sa aking palad.
"Hindi dapat kita pinagalitan dahil tinuka mo si Lucas, Coco! Tukain mo pa dapat siya! Bagay lang sa kanya yun!" Mariin kong bulong kay Coco habang hinihimas ang likod niya. Umalma naman agad siya.
"Tapos kana, Irene?" Napatalon ako nang marinig sa gilid ko ang boses ni Lucas. "Ikaw lang mag-isa ang nagdala ng timba? Sana inantay mo nalang ako, Buls." Dagdag pa niya.
Naalala ko bigla ang hagikhik ni Ave kanina. Bakit ko pa siya aantayin gayung masaya naman siya sa loob kanina? Hindi ko mapigilang umirap.
"Bakit pa? Kaya ko naman."
"Nagpapakain ka din ng manok Lucas? Grabe! Ang sipag mo naman!" Narinig ko nanaman ang boses ni Ave!
Ang akala ko pa naman ay umuwi na siya. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Kung ano ang sasabihin ni Irene, ginagawa ko." Ramdam ko ang pagngisi ni Lucas.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...