Hi! This will be the last chapter of LIBL。
Salamat sa pag-subaybay sa love story ng LUCRENE!
Be with me on my other stories please? Yes? Yes! ♪(^ε^=)
God bless you!
・・・・・・・・・・・・・・・・・・・・・・・・ ♡Love isn't Blind
I was never been so comfortable in my life. Pakiramdam ko nang dahil sa lahat ng nangyari ay mas nagkaroon ako ng rason para ipagpatuloy ang aking laban. Na bukod kay Ceyda ay nandiyan na rin si Lucas pati si Papa.
Nakakatawa nga lang, hindi ba dapat magulang muna ang maging rason kung bakit tayo lumalaban? Sunod ay ang magiging mahal mo sa buhay at panghuli ang anak. Sa lagay ko kasi ay nagkabaliktad lahat.
But still, I'm thankful. Nang dahil sa mga nangyari ay mas marami akong natutunan at mas lalo akong tumibay.
Napamulat ako nang maramdaman ang malalambot na labi ni Lucas sa aking pisngi. Kinusot ko ang aking mga mata para tanggalin rin ang ilang maaring dumi, pero kahit ginagawa ko iyon ay panay pa rin ang halik niya sakin. I was actually trying to block him dahil medyo nakakahiya. Kakagising ko lang samantalang siya ay amoy mouthwash na!
Hindi ko na napigilang tumawa nang marahan nang napunta sa aking leeg ang kanyang mga labi. Tuluyan akong nagmulat at nakitang alas singko palang ng umaga! Nahihibang na yata siya!
Hinawakan ko ang kanyang balikat para maiangat ko siya ngunit mas lalo lang siyang naging agresibo sa pag-halik! Panay ang paimpit kong tili lalo na nang ipasok niya ang kanyang kamay sa aking sando at maramdaman ko ang kanyang mainit na mga palad na naglalaro sa aking tiyan.
"Lucas..i-it's just five a.m.!" Pabulong kong singhal.
"Yea..and I want my breakfast." Napapaos niyang bulong.
Humalakhak ako dahil iyon lang pala ang gusto niya.
"O-osige.. G-gagawan na kita." Sambit ko habang hinahabol ng aking mga kamay ang kanyang pisngi upang patigilin siya sa pag-halik nang makatayo na ako.
"I want my breakfast in bed." Dagdag niya pang utos.
Bumalik tuloy sakin ang ilang alaala na naging boss ko siya dahil sa pananalita niya.
"Whatever you say sir Lucas.." Nanunuya kong sambit.
Ngunit nang sinubukan kong tumayo ay hinila niya lang ako pabalik sa kanya dahilan para pumaibabaw pa ako sa kanya!
Nang makita ko kung gaano kalasing ang kanyang mga mata ay di ko napigilang ngumisi.
Ibang breakfast naman pala ang gusto ng isang ito..
Nakatalukbong samin ang kanyang comforter nang matapos ang kanyang 'breakfast'. Hingal na hingal kaming dalawa pero parehong hindi nawawala ang ngisi sa aming mga labi. Ngunit ilang sandali lang ay narinig na namin ang pag-iyak ni Ceyda.
Mabilis naming inalis ang pagkakatalukbong samin ng comforter, halos sabay pa naming nilingon ang crib kung nasaan si Ceyda.
"You were too noisy.." Bulong ni Lucas sabay kurot sa ilong ko.
"H-ha? H-hindi ko napansin.." Nag-iinit ang pisngi kong sagot habang pinapanuod siyang magsuot ng boxers.
Nilagyan niya muna ng alcohol ang kanyang kamay bago binuhat ang aming anak.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...