SeriousNapatalon ako nang pabagsak na ilapag ni Paula ang isang papel sa mesa. Alas otso palang ng umaga at narito na siya sa bahay!
Aniya pinadalhan daw siya ng sulat ng MV WINES at hindi na siya makapaghintay sa nasabihin ito sakin.
Hindi siya mapakali sa pagkakatayo sa tabi ng mesa habang ako naman ay seryoso sa pagpapakain kay Ceyda ng kanyang almusal.
"Pih! Nagugulat si Ceyda sa'yo!" Saway ko sa kanya.
"Nakikita mo ba tong nakasulat dito?! Sa Espanya na! Sa Espanya na gaganapin ang photoshoot! Dyusko sis, ano bang pinakain mo sa boss mo?!" Sabik niyang sinabi.
Pinunasan ko ang gilid ng bibig ni Ceyda gamit ang bib at muli siyang sinubuan ng pagkain.
"Alam mo Pih? Hindi ko rin alam. Ang totoo nga niyan...umamin pa siya na gusto niya ako."
Literal na nalaglag ang panga ni Paula at halos manlaki ang mga mata niya.
"What?! Umamin na Gusto?! As in Love? Like? Oh, anong sabi mo?!"
"Wala..hindi ko naman alam ang sasabihin ko noh! Hinatid niya lang din ako dito sa bahay kasi iniwan mo ko!" Inirapan ko siya.
"Oh my God! Sigurado ka ba? Hindi ka ba nag-iimagine?!" Pinaypayan niya ang sarili niya at tila hindi makapaniwala.
"Hindi. Bakit naman ako mag-iimagine na gusto niya ako?" Natawa ako sa naisip. Ibang klase talaga itong si Paula!
"Irene, Irene..nabuang kana? Kita mo naman kung gaano ka-HOT, KAGUWAPO AT KAYAMAN yung boss mo diba?! Kailangan ko pa ba ipaopera uli yang mata mo?!" Sinamaan ko siya ng tingin.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa kamay ni Ceyda. Hinakawan ko iyon at pinisil-pisil.
"Hindi ko alam, Pih.." Kinagat ko ang labi ko bago muling nagsalita. "Um, siguro...crush ko siya. Yun lang."
Humagalpak ng tawa si Paula kaya naman ay nagulat muli si Ceyda. Ngunit nang tumagal ay nakitawa na rin ang walang kamuwang-muwang kong anghel.
"Sis naman! Ang crush sa artista lang 'yon! Paghinahain na sayo ng personal sunggaban mo na! Lavarrn! I-let go mo na kasi yang nilalaman ng puso mo! Bigyan mo na ng bagong daddy si Ceyda lalo na diba, sinabi mong hindi kayo pwede nung real dad niya?? Move on kana sis!" Kumikibot-kibot ang bewang niya habang sinasabi iyon.
"Akin na nga yan at babasahin ko muna.." Kinuha ko ang papel sa mesa upang maiba ang usapan.
Ayoko na munang isipin iyon lalo na kung madadamay ang aking nakaraan. Matagal ko nang hinanda ang sarili ko na tuluyang kalimutan iyon ngunit sa tuwing nakikita ko si Ceyda ay hindi ko pa yata kaya ng biglaan.
Si Paula muna ang nag-laro kay Ceyda habang binabasa ko ang mga nakasaad sa document na iyon galing sa MV. Sinasabi doon na nakaresched na next week ang shoot na gaganapin sa Barcelona, Spain. Aabutin ng limang araw ang shoot kasama na ang byahe patungo doon at pauwi rito.
Una kong naisip si Ceyda..hindi ko yata kakayanin yung limang araw na malayo sa kanya. Ngunit alam kong hindi rin ako pwedeng tumanggi.
Umalis si Paula na puro si LA ang bukambibig at ang pagiiwan sakin ng ideya na si Yuri muna ang pag-bantayin ko kay Ceyda.
Si Yuri naman talaga ang last choice ko kung sakali dahil wala naman na akong ibang kakilala dito.Nang makatulog si Ceyda sa hapon ay kinuha ko ang phone ko upang tawagan si Yuri. Ngunit tinitipa ko palang ang numero niya ay bigla nang tumunog ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...