TruthMabilis na lumipas ang mga araw. Halos mangitim na nga si Marie dahil sa kakaligo sa dagat.
Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Naging tahimik ang lumipas na dalawang linggo at tingin ko'y iyon ang pinaka-kailangan ko.
Bumalik kami sa Manila isang araw bago ang flight namin ni Ceyda patungo sa America. Ang isang araw na iyon ay nakalaan para sa pag-iimpake ko pa ng ilang gamit.
"Ma'am, mamimiss ko po ka'yo." Hindi na napigilang humikbi ni Marie nang mailagay na namin sa sala ang aming mga maleta. Siya rin ay nakahanda nang umuwi sa kanilang probinsya.
"Kami rin ni Ceyda, Marie.. Salamat sa lahat ng tulong mo habang nandito kami.." Pagod akong ngumiti sa kanya.
"Sana ma'am, magkita uli tayo. Wag niyo akong kakalimutan ni Ceyda ma'am ah?" Naluluha niya pang sinabi at ilang sandali lang ay napayakap na siya samin.
Hindi ko alam kung maluluha ba ako o mangingiti. Sinuklian ko nalang ang yakap niya habang nasa gitna namin si Ceyda.
"Susubukan kong makabalik kami, Marie.. Wag kanang malungkot." Tahan ko sa kanya.
Kahit na imposibleng bumalik pa kami ni Ceyda ay iyon ang sinabi ko para mabawasan ang lungkot niya. Ito na kasi ang huli...Ito na ang huling pag-babaka sakali kong pwede pa akong magkaroon ng panibagong buhay sa Pilipinas.
Dahil hindi pala pwedeng mangyari 'yon.. Masyadong maliit ang Pilipinas para saming dalawa ni Lucas.
Sinundo kami ni kuya Mike sa third floor dahil medyo malalaki ang tatlong maleta namin ni Ceyda. Katulong niya rin si Marie sa pag-baba ng aming maleta.
At nang sasakay na kami sa kotse ay mas lalong bumuhos ang luha ni Marie.
"Baby, say bubye na to ate Marie." Bulong ko kay Ceyda. Ilang sandali pa siyang natulala sakin at nang ituro ko sa kanya si Marie na kumakaway ay nakuha niya rin ang sinabi ko.
Cute din siyang kumaway kay Marie. Hindi ko na rin napigilang maluha. Pakiramdam ko kasi ay hindi lang siya kay Marie nagpapaalam kundi sa lahat...
"Ingat po kayo ma'am.. Ceyda.." Hikbi ni Marie.
Tuluyan na kaming sumakay ni Ceyda sa kotse pagkatapos ng huling yakap. Umiiyak pa rin si Marie nang talikuran niya kami upang bumalik sa lobby ng building kung saan siya lalabas.
"Okay na po kayo ma'am?" Tanong ni kuya Mike habang nakatingin sakin sa salamin.
"Opo kuya Mike. Pwede na po tayong umalis. Inaantay na rin po tayo ng pag-bibigyan ko nitong kotse sa airport." Ngiti ko sa kanya.
Tumango naman siya sakin.
Si Paula ang tinutukoy kong nag-aantay samin sa Airport. Sa kanya ko ipapaubaya itong pagbenta ng kotse. At pinag-iisipan ko na rin kung pati ang condo ay dapat ko nang ibenta.
Agad pinaandar ni Kuya Mike ang kotse. Napasandal naman ako habang niyayakap si Ceyda. Siya naman ay nakasandal sakin. Pareho kaming parang pagod na pagod.
Hinalikan ko ang kanyang ulo at pinahinga doon ang aking labi. Panay ang singhot at halik ko sa kanya. Tingin ko'y maya-maya lang ay makakatulog itong si Ceyda ko.
Ngunit halos mamatay ako sa kaba nang biglang pumreno si kuya Mike! Napayakap ako ng mahigpit kay Ceyda dahil sa gulat!
"Tarantado to ah!" Inis na sambit ni kuya Mike. "Ma'am ayos lang po kayo? Pasensya na po ma'am may biglang humarang.." Napapakamot sa ulo niya pang sinabi.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
Roman d'amourLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...