Complete"LA, please.. I know you want me.. You said it that night.. I know you're just playing with that girl now.. Like what you used to do." Nanunuyang sinabi ni Coleen habang hinahaplos ang pisngi ni Lucas.
Pumikit ako kasabay ng pag-punas sa aking luha. Hinihiling na sana gaya noon ay bulag nalang ulit ako ngayon. Ngunit bigla kong naramdaman ang maliliit na kamay ni Ceyda sa aking pisngi.
Muli akong nag-mulat at tiningnan ang anak na nag-tataka siguro kung bakit umiiyak ang mommy niya. Her eyes made me realize that I shouldn't be wishing to be blind again. That I should be keeping my head up and be strong.
Nangako akong hindi ko iiwan si Lucas sa kahit anong laban. At kung ganitong laban ang ibibigay sakin ni Coleen, pwes, hindi ko siya aatrasan!
Huminga ako ng malalim at humawak sa doorknob para tuluyang buksan ang pinto ngunit biglang nagsalita si Lucas.
"That wasn't meant for you Coleen. I was drunk but I can still remember everything." Sagot niya.
Muli akong sumilip at nakita ko kung papaanong nilayo ni Lucas ang sarili niya kay Coleen.
"That wasn't meant for me? Those sweet words that you said wasn't meant for me? Really Lucas? I've been with you since high school! I'm your first love! I'm your first girlfriend! I'm your first everything! Pano mo nasasabi sakin yan ngayon huh? Dahil sa Irene na 'yon na maski pinanggalingan niya hindi alam?! And we don't even know if you're the real father of her child! Tatlong taon siya nawala! Malay ba natin kung nabuntis yan ng kung sino lang tapos-"
"Shut the fuck up!" Napapikit ako nang sumigaw si Lucas. "Yes you're my first girlfriend Coleen, and I respect you for that. Kaya huwag mo sanang tanggalin ang respeto na 'yon sa paninira mo kay Irene. I'm not going to let anyone hurt my wife. Not you and not Mama." Mariin niya pang sinabi.
"Ma'am?" Mabilis kong hinarap si Marie at sinenyasang huwag maingay. Nilapag niya ang ilang bitbit at sumilip din sa pintuan gaya ko.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita ngunit sinenyasan ko siya na kumalma lang.
"W-Wife? Are you joking LA? Please tell me you're joking." Tumawa si Coleen ngunit halata ang pagiging miserable niya. Wala na ang sopistikada at matapang na babaeng umaaway sakin.
"I'll never joke about that Coleen. Yes, I'm marrying Irene. You had your chance and it's over. Now please leave before my wife sees you." Para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Hindi ko alam kung para saan pa ang iniyak ko kanina, basta ang alam ko lang ngayon ay hindi nagkamali ang puso at isip ko na mahalin si Lucas.
"No! I'm not leaving! Hindi ako magpapatalo sa Irene na yan, LA! I'm the one that you love! Dahil kung hindi, bakit nung iniwan kita dati ay bigla kang nag-bago? Bakit ka naging rebelde noon dahil nasaktan kita? Ako lang naman ang dahilan diba? And now I'm here for you LA, hindi na kita sasaktan uli..why don't you just admit that it's me whom you really love?" Naluluhang sambit ni Coleen habang sinusubukang yapusin si Lucas.
Kinalabit ako ni Marie at nakita ko rin kung gaano siya naiinis.
"Stop it, Coleen! My life has nothing to do with you! Will you just leave!" Inis na sambit ni Lucas.
"No LA! Please! I'll give you everything you want! I'll be better than Irene! Please!" Desperadong sinabi ni Coleen habang patuloy na niyayapos si Lucas.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...