Chapter 19

863 32 18
                                    

Ang Ilog

Irene's POV

"Anong sinabi mo kay Lucas?" Tanong ni Carlos nang makasakay kami sa kanyang kotse.

"Um..G-Gusto ko sana siyang isama.. Kung ayos lang sa'yo." Nahihiya kong sinabi.

Tumikhim si Carlos at pakiramdam ko ay may kinalikot siya sa kanyang sasakyan.

"Mas gusto kong tayong dalawa lang, I. Please wag mo nang ipilit na maging kaibigan ko ang isang iyon." Bumuntong hininga siya. "Wala talaga akong tiwala sa kanya." Dagdag niya pa.

Tumunog ang makina ng sasakyan at nakaramdam ako ng ginaw sa aking balat. Agad kong hinaplos ang aking magkabilang braso habang niyayakap ang sarili.

"Mabait naman si Lucas. Ganoon lang talaga siya dati dahil gaya mo ay laki siyang Maynila. Pero....nagbago naman na siya. Mabait na siya, Carlos!" Niligayahan ko ang tono ko sa huling pangungusap.

"Hindi lahat ng laking Manila ay ganoon kayabang, Irene. I think he's spoiled." Sagot niya sakin.

"Pero tingin ko ay talagang magkaka-"

"Maginaw ba? Teka, hihinaan ko ang aircon." Pinutol niya ang pagsasalita ko.

Wala akong nagawa kundi ang umawang ang labi at tumango. Gumalaw din si Carlos sa aking tabi at naramdaman ko nalang ay pinatungan niya ng kung anong tela ang aking balikat. Ikinumot niya ito sakin. May kung ano rin siyang ikinabit na larang lubid sa katawan ko. Pakiramdam ko tuloy ay nakatali ako sa upuan.

Ang amoy niya ay sumisingaw mula sa telang kinumot niya sakin.

"That's my jacket..." Aniya nang mapansin siguro na panay ang kapa ko.

Natigilan ako at tumango.

Ganito kami ni Carlos parati. Kapag kinukwentuhan ko siya ng tungkol kay Lucas ay agad niyang iniiba ang usapan.

Madalas niya kaming dalawin nitong mga nakaraang araw. Nakakatuwa dahil ang akala ko'y babalik na sa dati ang aking buhay. Na babalik na ang pagkakaibigang naging yaman ko noon. Kahit na medyo nahihirapan pa akong ayusin ang samin ni Ave, pakiramdam ko mas mapapadali iyon kapag bumalik sa dati si Carlos.

At ang isiping nariyan pa si Lucas ay mas lalong nag-painit sa aking puso. Kaso nga lang hindi pala magiging madali ang lahat. Sa tuwing naglalapit ang dalawa'y lagi silang nag-aaway! Kaya mas minabuti kong huwag nalang muna silang paglapitin.

Maiintindihan naman siguro ni Lucas kung samahan ko muna si Carlos, tutal naman ay siya itong kasama ko sa iisang bubong at bisita namin si Carlos.

Para akong kiniliti sa isiping magkasama talaga kami sa iisang bubong ni Lucas. At hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa alaala ko ang gabing nag-sayaw kaming dalawa... Ewan ko ba! Iyon na ata ang pinaka mabagal na gabi ko. (At pinaka memorable)

Pero sa tingin ko'y hindi iyon gaano nakuha ni Lucas dahil makalipas ang ilang araw ay naging bugnutin siya. Masungit! Lagi ko naman siyang sinasama kapag nariyan si Carlos. Ang totoo niyan, mas gusto ko naman talaga siyang kasama. Pero kapag nagsisimula na ang away nila ay wala akong magawa kundi ang ilayo sila sa isa't-isa.

Parang aso't pusa!

Hindi kaya dahil nanliligaw na sakin si Lucas kaya siya ganyan? Eh bakit naman si Carlos? Nanliligaw din siya pero hindi naman siya nagsusungit?

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon