Ang Kamote
Irene's POV
"Hindi na kailangan, Irene. Ako nalang. Napagod talaga ako kanina kaya gusto ko munang mag-pahinga. Pwede mo na muna akong iwan."
Natigilan ako bigla. Dapat tutulungan ko na ang lalaking iyon kaso mukang galit pa rin siya sa ginawa ko. Nang ituro ko palang ang hindi alam na daan ay alam ko nang maliligaw siya. Kung bakit ba kasi ako nataranta kanina eh!
Narinig ko ang pag-uga ng papag niya. Ibig sabihin ay hindi na niya ako sinisilip mula sa pinto.
Ang sabi niya, gusto niyang mag-pahinga.
Sa tahimik ng paligid ay pakiramdam ko natulog siya! Hindi ako mapakali habang hinihintay siyang gumising.
Binilin pa naman sakin ni Nanang na tulungan ang isang yun. Nakakahiya naman na unang araw pa lang ay pinapabayaan ko na ang aming bisita!
Umupo ako sa may hapag ngunit wala pang limang ay tumayo na ako dahil hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko pa lubos na maisip na talagang may kasama ako sa bahay at hindi lang mga manok o si Nanang iyon!
Paulit-ulit akong nag-lakad..
Saka ko naalala na may sinaing na kamote si Nanang! Hindi kaya nagugutom na ang aming bisita?
Pumunta ako sa bandang kusina at kumuha ng platito at tinidor. Nilagay ko doon ang mainit pang kamote at binalatan. Nang maayos na ay kinapa ko ang aming mantikilya at nilagyan ang gilid ng kamote. Binudburan ko rin ito ng kaunting asukal.
Humugot ako ng malalim na hininga bago kinuha ang platito at naglakad patungo sa kwarto ni Lucas.
Tinabig ko nang bahagya ang kurtina at sumilip kahit pa hindi ko siya nakikita.
Marahan akong umubo.
"Uh.. Lucas? May dala akong meryenda kung sakaling nagugutom ka.." Nahihiya kong sinabi.
Inantay ko ang sagot niya ngunit wala.
Tingin ko'y tulog nga siya.
Kinagat ko ang labi ko. Siguro ipapatong ko nalang ito sa lamesita sa tabi ng papag ni Nanang para pag-gising niya ay makita niya agad.
Humakbang ako papasok sa loob. Maingat at dahan-dahan ang bawat galaw ko. Nasa unahan ko ang isa kong kamay para malaman kung nasa harap ko na ba ang lamesita, at nang mahawakan ko ito ay nakahinga ako nang maluwag.
Pinatong ko doon ang platito ngunit sa pag-kapa ko pa ay may nahawakan akong kung ano. Isang matigas at pahabang bagay at nang ilapit ko ito sa aking tainga ay narinig ko ang tunog na gaya ng mga orasan.
May ganito kaliit na orasan?
Ngumuso ako at binalik ang bagay na iyon sa lamesita. Pinakiramdaman ko ang paligid at talagang nabighani sa katahimikan.
Nandito ba talaga ang kasama namin o imahinasyon ko lang ang lahat dahil sa nasobrahan na ako sa pag-kausap ng mga manok??
Lumunok ako. Nag-dadalawang isip kung dapat bang manigurado o hindi.
Ngunit sa huli ay wala rin akong nagawa dahil mas lamang ang kagustuhan ko sa una.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...