Chapter 47

898 35 13
                                    


Not Easy

Matapos ang isang buong araw na pananatili namin sa bahay ay nag-handa naman kami kinabukasan para sa pag-alis.

Ayaw kasi mag-papigil ni Lucas na kailangan namin mamili ng mga bagong gamit para sa bahay. Pero gaya ng pangako niya ay pupuntahan muna namin ang mama niya.

Siya ang may buhat kay Ceyda hanggang sa makalapit kami sa kanyang kotse. Ayaw pa nga niya ibigay sakin si Ceyda kung hindi lang siya magmamaneho.

"Um.. Nasaan si Ma'am Adriana ngayon?" Tanong ko nang makasakay kami at magsimula siyang mag-maneho.

"In the office." Simple niyang sagot.

Tumango naman ako at hinaplos ang buhok ni Ceyda.

"Kinakabahan ka ba?" Napatingin ako kay Lucas at naabutan ko siyang nakatingin na rin sakin.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit may guwang ang tiyan ko ngayon. Tingin ko'y dahil nasanay akong sundin ang utos ni ma'am Adriana na magpakalayo at huwag nang magpapakita pa.

"Don't be. Wala tayong ginagawang masama. Mom's wrong about everything. At hinding-hindi magsisinungaling si Nanang." Hinawakan ni Lucas ang kamay ko at pinisil-pisil ito.

Ngumiti naman ako at tumango.

Tama siya. Hinding-hindi magsisinungaling si Nanang.

Huminga ako ng malalim at winaglit ang gumugulo sa isip. Nilaro ko nalang si Ceyda habang abala sa pag-mamaneho ang daddy niya.

Ngunit ilang sandali lang ay pinaparada na ni Lucas ang kanyang kotse sa parking lot ng opisina nila. Inalalayan niya ako sa pag-baba at agad niyang binuhat si Ceyda mula sakin.

Hinawakan niya ang kamay ko bago kami nagsimulang pumasok sa loob ng gusali.

Mabilis kaming binati ng iilang empleyadong nakakasalubong namin. Halatang-halata ang pag-tataka sa kanilang mga mata. Ang iba'y nagawa pang magbulungan.

Sa lobby ay nakita ko ang malalaking letra ng "MejorVino" at sa tabi nito ay ang isang malaking poster ng isa sa mga kuha namin ni Lucas sa Barcelona.

Napatingin ako kay Lucas nang makita ko ito! Ni hindi nila sakin sinabi na nilabas na pala yung picture naming dalawa!

"That's just a teaser." Bulong niya. "Wait for the billboard." Ngisi niya pa.

Nag-init ang pisngi ko! Lalo pa namg ilapit niya ang labi niya sa aking tainga habang maraming nakatingin saming dalawa!

"Everyone has to know who you belong with." Huli niyang sinabi bago hinarap si mr. Aldus na mukang kanina pa nag-aantay samin.

"Good morning sir Lucas, ma'am Irene." Bati samin ni mr. Aldus at ng isa pa nitong assistant.

"Where's mama?" Tanong ni Lucas nang makasakay kami sa elevator.

"Nasa opisina na sir Lucas. Medyo maaga po dumating si Madame." Sagot naman ni mr. Aldus.

"Hewow!" *hello* Bati ni Ceyda sa dalawa.

Sabay kaming napangiti ni Lucas.

"H-hello.." Si mr. Aldus naman ay nahihiyang sumagot.

"Aldus, meet my daughter, Luceyda Renè. She's gonna be your boss too someday." Halakhak ni Lucas!

Hinampas ko naman siya ng palihim.

"Y-your d-daughter sir? Y-you have a d-daughter?" Hindi makapaniwalang tanong ni mr. Aldus.

"Got a problem with that?" Tinaasan siya ng kilay ni Lucas.

"No sir!!" Sagot naman agad ni mr. Aldus.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon