Chapter 22

933 35 11
                                    

Ang Mahalaga

Irene's POV

Sa sumunod na araw ay ako naman ang gumising ng maaga para lutuan ng umagahan si Nanang at Lucas. Masyado na kasi siyang maraming ginagawa sa bahay, pakiramdam ko masyado na namin siyang naabuso ni Nanang.

Naisipan kong magluto ng sinangag, piniritong danggit at itlog. Hinanda ko din ang ilang prutas na pinitas namin kahapon sa bakuran. Dahil sanay na rin ako sa kusina ay mabilis kong natapos ang mga gawain. Naayos ko na ang mesa at nahain na rin ang aming kakainin.

Kinakapa ko na ang gitna ng mesa kung saan ko ipapatong ang platong puno ng hiniwang prutas nang biglang may yumakap sakin mula sa likod!

Ang pamilyar na bango ni Lucas ay umatake sa aking ilong.

"Good morning, baby." Bati niya. "Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Ako dapat di'ba?" Bulong niya pa.

"Lagi nalang ikaw ang nagluluto...maigi naman na pagsilbihan din kita di'ba? At isa pa...baka isipin mo na inaabuso ka namin ni Nanang." Nakanguso kong sinabi.

Nang malapag ang hawak na plato ay saka niya ako pinaharap sa kanya. Ang likod ko na ngayon ang nakalapat sa mesa habang ang mga kamay ni Lucas ay nakapahinga sa aking bewang, kinukulong ako doon.

"Bakit ko naman iyon iisipin? Pero...gusto ko ata ang ideyang pinagsisilbihan mo ako." Binulong niya ang mga huling salita.

Napayuko ako habang dinadama ang biglaang pag-init ng aking tiyan at pisngi.

"Hey.." Aniya sabay hawak sa aking baba upang iangat ang mukha ko.

Wala akong nagawa kundi ang kumurap at kagatin nalang ang labi.

"Hmm?" Nahihiya kong sambit.

"Where's my morning kiss? Hmm?" Pilyo niyang sinabi.

Napaungol ako doon at agad siyang tinalikuran!

"Ayaw ko! Baka makita ni Nanang." Mariin kong bulong.

"Tulog pa yata siya...sige na please." Napapangiti ako sa boses niya ngunit pilit ko itong tinatago. Ilang sandali pa ay hinaplos na niya ang braso ko. "Buls...please, morning kiss ko?" Dagdag niya pa.

"Ano ba! Magsipilyo ka nga muna, Beks!" Humalakhak ako.

"Mabango naman ang hininga ko ah? Pang mga bad breath lang yun!" Napanguso ako dahil lagi akong nagsisipilyo tuwing umaga! Hmp! Hindi ako bad breath gaya ng sinasabi niya noh!

"Ayaw!" Natatawa kong sinabi habang iniiwas ang katawan ko sa mga hawak niya.

Ngunit mas lalo din siyang ginanahan sa paghuli sa akin. Pakiramdam ko, kinikiliti na niya ako!

*e-eherm..*

Pareho kaming natigil nang marinig si Nanang! Naku naman!

"Good morning Nang!" Masayang bati ni Lucas na wala man lang atang bahid ng kahihiyan.

"Magandang umaga po, Nanang." Nahihiya kong sabi.

"Magandang umaga rin sainyo mga anak. Aba'y mukang maganda nga talaga ang gising ninyo?" Nanunuya niyang sinabi habang naglalakad yata patungong kusina.

"Laging maganda ang gising ko dito, Nang!" Si Lucas.

"Opo, Nang...kumain na po tayo!" Yaya ko sa kanya.

"Nakakatuwa kayong dalawa mga anak..hala sige at baka lumamig pa itong mga niluto mo, Irene. Maghahanda lang din ako sin-mainit na tsokolate." Masayang tonong sabi ni Nanang.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon