Ang Kakayanin
Irene's POV
Hindi ko alam kung paano ko nakayanan umuwi kasama si Lucas. Hindi ko talaga alam kung paano ko nakayanang pigilan ang pagsabog ng pisngi ko sa sobrang init nito!
Pero hindi ko rin maipagkakaila na sobrang saya ko. Sobra sobra. Pakiramdam ko mula noong nakilala ko si Lucas ay naging buong-buo ako kahit pa alam kong buo na ako noon.
Hiyang-hiya pa ako kay Nanang pag-kauwi namin dahil bukod sa iniwan ko siyang maraming tanong, nadagdagan pa ito! Pakiramdam ko tuloy ay malalaman niya ang nangyari samin!
At ito namang pilyong si Lucas ay panay ang masayang kwento kay Nanang!!! Ganito ba talaga ang mga lalaki sa unang araw ng realsyon? O sadyang si Lucas lang ang ganito?
"Akala niya kasi Nang, kasama ko si Avenna. Nagselos po." Humalakhak si Lucas nang sikuhin ko ang tagiliran niya.
Kumakain na kami ngayon para sa hapunan. Buti na lang ay nagkalakas pa ako ng loob lumabas sa kwarto, pero sana pala ay hindi ko nalang ginawa dahil panay ang pang-aasar nitong...'nobyo ko!'
Oo! Sabi niya nobyo ko na daw siya ngayon! Boyfriend/Girlfriend naman ang tawag sa Maynila. Hindi naman ako makatanggi dahil iyon din ang gusto ko! Na pwede kong ipangalandakan sa lahat na akin lang siya...at ganoon din ako sa kanya.
Dahil ganoon daw ang patakaran sa pag-pasok sa relasyon, sabi ni Nanang. Dalawa lamang kayo, walang labis, walang kulang.
Pero mas kinikiliti ang tiyan ko kapag naiisip na...talagang kami na nga! Kami na!
"Aba'y bakit ka naman mag-seselos sa dalawa, anak? Magkaibigan lang sila at hanggang doon lang iyon. Hindi ba, Lucas?" Si Nanang naman ngayon ang nanunuya!
"Yan nga po ang sinasabi ko, ayaw makinig. Hindi lang ata bulag, bingi pa." Sabay silang tumawa ni Nanang!
"Sus! Akala mo siya hindi nagseselos kay Carlos." Nakanguso kong sinabi.
Narinig kong napapasinghap si Lucas at paimpit na halakhak naman ang kay Nanang.
Ha! Akala mo ha!
"Kayo bang dalawa ay may hindi sinasabi sakin?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Nanang!
Diyos ko naman!! Mahuhuli na ba kami?! Hindi ko pa naman naranasang mag-sinungaling kay Nanang!
Sasabihin ko naman iyon ngunit...hindi pa ako handa ngayon! Baka masabi ko ang bawat detalye!!!
"N-N-Nang... A-ano pong ibig niyong sabihin?" Pinagpapawisan kong sinabi.
Humalakhak ang walang hiyang si Lucas sa gilid ko!
"Relax... Let me handle this," Bulong niya.
Nakagat ko ang labi ko bago sila pinakiramdaman.
"Ang totoo Nang, meron nga." Panimula ni Lucas.
Mabigat na paglunok ang nagawa ko. Gumalaw ang silya ni Nanang. Halatang interesado siyang makinig sa sasabihin ni Lucas.
"Nanang, gusto kong sabihin sa inyo na..." Napatalon ako nang hawakan ni Lucas ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Hindi na mag-iisa muli si Irene. Dahil mula ngayon, hinding-hindi ko na siya papakawalan pa." Mariin niyang sinabi.
Singhot ni Nanang ang narinig ko. Umiiyak ba siya?!
"Mahal na mahal ko na ang anak ninyo, Nang. Handa akong gawin ang kahit na ano para mahalin niya rin ako." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...