Three Years"Carlos?" Sagot ko sa tawag niya mula sa aking phone habang nililibot ang paningin sa napakalawak na activity center ng City of Stars.
"How are you there, I? Are you sure you're fine with your condo?" Tanong niya mula sa kabilang linya.
Nakangiti akong umiling.
Kahit talaga mag-kalayo kami ay grabe pa rin ang pag-aalala ng isang ito. Kahit na abala sa trabaho ay gumagawa parin ng paraan para makatawag.
"We're fine, Carlos. Stop thinking about us and just do your work there!" Humalakhak ako.
"How can I? Hindi mo na naantay ang three months ko. Sana sumabay nalang kayo sakin sa pag-balik sa Pilipinas para hindi na ako nag-aalala ng ganito." Seryosong sagot niya.
"Carlos, sayang naman kasi yung offer. It's one in a lifetime opportunity! Tsaka gusto ko rin naman i-challenge yung sarili ko na talagang kaya ko na. Actually, we're here in City of Stars. Tinitingnan ko kung saan gaganapin yung ramp."
"Namamasyal kayo? How is it?"
"Yep! Maganda tsaka malaki...medyo kinakabahan tuloy ako." Sabi ko pa habang tinitingnan ang sine-set up na stage sa gitna.
"Kayang-kaya mo yan, I-"
Nawala ako sa pakikinig ng sagot ni Carlos nang kalabitin ako ni Marie.
"Ma'am-" Mabilis ko siyang hinarap.
"M-Ma'am, s-si Ceyda po n-nawawala eh." Agad nanlaki ang mga mata ko at kumunot ang noo ko!
"Ano?! Paano?!"
"Hey, Irene did something happen?"
"N-no, Carlos... Sorry, I'll call you back later!" Sagot ko at binaba na agad ang linya.
"Marie! Paanong nawawala?! Lumingon lang ako sandali sa stage! Asan na ang anak ko?!" Hindi ko na napigilan singhalan siya.
"K-kasi po ma'am may tinuro siyang librong may mga manok eh tapos kinuha ko po tapos po pag-lingon ko tumakbo na po don." Naiiyak niyang sinabi habang tinuturo ang isang daan na panay stuffed toys boutique sa gilid.
Si Marie ay baguhan lamang sa pagiging 'nanny'. Inamin naman niya iyon ngunit nangako siya sakin na gagawin niya ang lahat para sa trabaho dahil kaingalang-kailangan niya ito. Mabait siya at mapagkakatiwalaan, iyon nga lang...baguhan.
"Maghanap ka doon Marie, dito naman ako sa tinakbuhan niya. Magpatulong ka rin sa guards at please kapag nakita mo tawagan mo agad ako. Diyos ko!" Mariin kong utos sa kanya saka na ako kumaripas ng lakad patungo sa daan na iyon.
Ilang beses ko pang naisumpa ang soot na heels at masikip na dress na ito! Kung bakit ba kasi puro ito na ang nasa bagahe ko.
Mahilig si Ceyda sa mga manok kaya sigurado ako na kung nasaan ang maraming manok, mapa-stuffed toy man or pictures or posters, for sure naroon siya.
Nagsimula na akong pag-pawisan nang malampasan ko ang mga boutiques! Nag-sisimula na rin uminit ang gilid ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha.
Gosh this is not happening!!!
Nagunit napasinghap ako nang makita si Ceyda na hinihila ang pantalon ng isang lalaki! Nakatalikod ito at ilang sandali lang ay binigyan na ng atensyon ang walang kamuwang-muwang na anghel ko.
With her hair in a nice ponytail and with her cute yellow dress she looked like an angel without her snow white wings.
Kumalabog ang puso ko nang ngumiti ang lalaki kay Ceyda. He's very handsome, I admit, pero hindi pa rin sapat iyon para ipagkatiwala ko sa kanya si Ceyda.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...