Chapter 11

970 44 14
                                    

Ang Selos

Lucas' POV

Finally! Makikilala ko na rin yung Enteng na sinasabi ng bulag na'to na 'inibig' daw niya! Tsch! Sigurado naman akong angat ako dun..

Naglakad na kami nila Nanang papunta sa kabilang baryo. Grabe nakakapagod nga dahil sobrang layo ng lalakarin. Kung bakit naman kasi walang taxi dito. I would even go for a trike. Tss.

Pero natatawa ako sa bulag na nasa likuran namin, halatang natetense na siya. Nakikinig lang siya samin ni Nanang... Kakaiba dahil sa normal naman na mga araw ay madaldal siya. Nakakatuwang pagmasdan ang mukha niya, hindi niya alam tinitingnan ko siya.

Nilalakasan ko ang boses ko bawat sagot ko kay Nanang tungkol sa pamilya namin, siyempre sinasadya ko yun para naman mas makilala ako ni Buls. Para kahit di niya alam kung gaano ako kagwapo, atleast alam niya na mayaman ako! Hahaha!

Pagkatapos ng isang nakakapagod na lakad, nakarating din kami sa pupuntahan namin. Grabe sila Nanang, parang walang bakas ng pagod sa mukha. Samantalang ako, parang nagmarathon sa pagod! I prefer gym than jogging. I hate jogging!

"Uy Cora, narito na pala kayo at mukang may kasama ka ha?" Bati ng isang babaeng may edad na rin, kasamahan ata ni Nanang..

"Irene ikaw pala yan! Halika rito at maupo ka para, sigurado akong pagod ka.." Wow, grabe sila mag-alaga kay Buls ah.. Tapos sumunod naman si Buls na umupo. Ako di man lang pinaupo. Tsk pagod din kaya ako!

"Aba, sino naman itong napaka gwapong binata na ito?" Sabi niya nang pagkatingin niya sakin. Buti naman napansin na niya ako, kala ko mas bulag pa siya kay Buls e.

"Ay, si Lucas nga pala.. Nagbabakasyon siya dito saatin, anak siya ng dati kong amo sa Maynila." Pakilala sakin ni Nanang. Ngumiti lang ako at tumango nang isang beses bilang bati.

"Magandang hapon!" Ngumiti ako sa kanya at sa iba pang naroon na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sakin.

"Nako, napaka gwapo mo naman hijo, sigurado akong marami ang nagkakagusto sayo! Buti nalang at dito ka samin nagbakasyon! Halika at ipapakilala kita sa anak ko, dalaga yun!" Masaya niyang sabi tapos hinila nalang niya akong basta papunta sa isang kwarto. Hindi man lang ako nakatanggi sa kanya dahil sa bilis niya. Si Buls, hindi man lang ako pinigilan!

"Ave! Halika rito daliiii!" Tawag ni aling Sonya ata dun sa anak niya nang makarating kami sa kanilang bahay.

"Ano nanaman ba yun Ma?!" Rinig kong sagot nung babae.

Tamar siyang lumapit samin at nang makita niya ako ay napanganga siya at nanlaki ang mga mata niya. Tsss, women.

"Omg Maaaa! Sino siya!?" Hindi naman halatang ngayon lang siya nakakita ng tao sa tanong niya.

"Lucas, siya si Avenna, anak ko. Sigurado akong magugustuhan niyo ang isa't isa, kaya sana mas dalasan mo pa ang pagdalaw dito ha? Sa Manila din siya lumaki gaya mo, pero nagbabakasyon siya rito para tulungan ako sa negosyo." Nakangiting sabi sakin ni Aling Sonya.

Walang nagbago sa reaksyon ng mukha ko. Hindi ako interesado. Maganda si Ave, pero hindi siya papasa sa standards ko.

Lumapit sakin yung babae at hinawakan niya yung braso ko. Tatanggalin ko sana kaso biglang may pumasok na lalaki at kinausap ni Aling Sonya, nag-igting ang panga ko at hindi ko alam kung bakit.

"Lucas pala name mo? What a cute name.. By the way you can just call me Ave!" Kahit hindi ko gaano naintintindigan ay tumango tango nalang ako at umastang nakikinig. Pero ang totoo ay nakuha ng payatot na lalaking parang edad mid-30s ang atensyon ko.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon