Kiss to RememberPanay ang yakap at halik ko kay Ceyda bago ako umalis. Hindi ko rin mapigilang maluha. Ito kasi ang unang beses na malalayo ako sa kanya ng matagal.
"I, you're doing this for Ceyda kaya huwag ka nang umiyak. Nandito naman kami ni Marie.." Malambing sinabi ni Yuri sakin.
Suminghot ako at ngumiti. Tama naman siya kaso sa tuwing tinitingnan ko ang mga labi at pisngi ni Ceyda ay naluluha talaga ako. Wala pa man ay namimiss ko na siya.
"Thank you, Yuri.. I-update mo ako parati ha?" Naluluha kong sambit sa kanya.
"I will. Don't worry, okay? Mag-ingat ka doon. Lalo na sa boss mo!" Humalakhak siya sa dulo.
Inismiran ko siya.
Muli kong hinaplos ang buhok ni Ceyda habang malalim ang tulog niya.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Mahinang sambit ni Marie sa nakasiwang na pinto.
"Narito na siya...sige na." Sabi ni Yuri at binigyan ako ng mainit na yakap.
"Yuri, si Ceyda ha?" Huli kong paalala bago lumabas ng kwarto.
Pinunasan ko ang luha ko habang inaabot ang maleta ko kay Marie.
"Kayo na muna ang bahala rito ha? Mag-iingat kayo."
"Ikaw din po ma'am.." Ngiti sakin ni Marie.
Hila-hila ang maleta ay lumabas na ako ng bahay at naabutan si LA na nakasandal sa pader at nakapamulsa.
Umawang ang labi niya nang makita ako.
"Are you alright? Did you cry?" Tanong niya.
Agad nag-init ang pisngi ko sa hiya! Masyado yata akong naging emosyonal.
"Ha? H-hindi ah! Nalagyan kasi ng sabon ang mata ko kanina kaya medyo namula." Pagsisinungaling ko.
Mataman niya lamang akong tiningnan kaya naman ay pinilit kong ngumiti.
"Nalagyan din ba ng sabon ang ilong mo?" Tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis kong natakpan ang ilong ko gamit ang dalawang kamay!
Suminghap siya at marahang umiling. Hinawakan niya ang handle ng maleta ko at hinila iyon kasabay ng paghakbang niya patungo sa elevator.
"LA! O-okay lang ako!" Pahabol kong sigaw bago nagmamadaling sumunod sa kanya.
Isang SUV ang sumalubong samin sa parking lot. Isang bodyguard ang kumuha sa maleta ko at nagsakay noon sa kotse. Sa backseat kami pumwesto ni LA habang ang bodyguard naman ang nagmaneho.
Hindi ako mapakali sa tabi niya.
Naku naman! Kung ngayon palang ay ganito na..paano pa sa mga susunod na araw?
Mabuti nalang at mabilis lang ang byahe patungo sa airport.
Sa isang private plane kami sumakay. Doon ko napag-tantong sobrang yaman pala talaga nitong boss ko at hindi basta-basta wino-walk out-an lang.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang hawakan niya ang kamay ko at alalayan paakyat sa eroplano. Doon ay sinalubong kami ng isang flight attendant at ng kapitan.
Nagpakilala lang sila sakin dahil kilala na nila si LA.
Nagtabi uli kami sa upuan at kahit na maluwag ay sobrang lapit niya pa rin sakin. Nalimutan niya yata ang salitang 'space'.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...