No Choice"Hello?" Sagot ko sa tawag ni Paula mula sa aking cellphone. Marahan kong binigay si Ceyda kay Marie upang makausap nang maayos si Paula.
"Irene!!!"
Napapikit ako sa lakas ng boses niya!
Alam ko naman ang itatanong nito, siguradong tungkol iyon sa LA na 'yon!
Dalawang araw na mula nang magkita kami pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan kung gaano ako nainis sa kanya!
"Oh? Bakit? Linggo ngayon ah? Trabaho pa din?" Humalakhak ako sa huli.
"May sasabihin kasi ako sa'yo..." Maarte niyang sinabi.
"Pih, kung tungkol ito sa offer mo..isa lang ang sagot ko! Ayaw ko! Ang pangit ng ugali ng lalaki na iyon! Mayabang! Ayoko talaga!" Singhal ko sa telepono.
Narinig ko ang maarteng pag-bulong niya sa kabilang linya.
"Hello?" Ako uli dahil hindi siya sumagot.
"K-Kasi dear, ang totoo niyan...nailipat na ang kontrata mo sa Mejor Vino."
"H-ha?"
"Nakiusap sakin si LA, hindi ko matanggihan dear! Nakiusap siya maski kay miss AJ!" Humalakhak pa ang bakla sa dulo!
"T-teka nga lang...ang ibig mong sabihin, wala na ako sa A's Cut and Couture?" Nagtataka kong sinabi.
"Nakuha mo sis!"
"Ano?! Paula! Kakasabi ko lang, please..ayoko talaga! Hindi ko yata matitiis ang lalaki na 'yon!"
"Mmm...bakit??? Kasi gwapo noh?? Umamin ka na kasi sakin, hindi naman kita ijujudge! Kahit naman may junakis na pwede namang lumove-life!"
"Paula! H-hindi yan ang sinasabi ko! Ayoko sa kanya dahil sa ugali niya!" Nakagat ang labi ko.
"Hay nako, problema ba yan? Irene, modelo ka, hindi mo naman siya kailangan kausapin! Ako ang manager mo kaya ako na ang bahala sa lahat kapag kailangan siyang kausapin! Don't wory!"
Palihim ko siyang inirapan.
"At yan naman kasi talaga ang habol mo ano? Hay naku naman Paula!"
"Nakuha mo ulit sis!" Aniya at maarteng humalakhak!
"Kakausapin ko muna si miss Aj! Hindi pa rin ako naniniwala sa'yo!"
"Hoy Irene ako ang manager mo! Mahiya ka naman! Pero...sige, kahit kausapin mo siya, nakuha na ng MV ang contract mo. Believe me! Para sa'yo din ito!"
"Hindi ko alam, Pih! Hindi talaga maganda ang kutob ko sa LA na yan...Parang basagulero kung magsalita."
"Pano ba naman kasi ang katawan sis, pang tigasin rin!" Aniya na parang nagpapantasya, "hindi mo na nga kasi kailangan problemahin yan, ako bahala diyan!" Dagdag niya pa.
"Ewan ko sa'yo Paula! Sige na muna at papakainin ko pa si Ceyda.."
"Ayan na, bigyan mo na ng daddy figure si Ceyda!" Dagdag niya pang biro.
"Tumigil ka nga riyan Paula! Bye na!"
Nahilot ko ang sentido ko matapos ibaba ang tawag galing kay Paula. Wala na kaya talagang mahanap na iba ang LA na iyon ka ako ang gustong kuhain?
Sinabi kong ayoko dahil pangit ang ugali niya pero aaminin ko rin na ayokong pumayag dahil hindi naging maganda ang una naming pag-uusap. Baka mamaya, isipin niya na napaka-unprofessional ko dahil nag-walk out ako sa harap niya!
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...