Ang MaynilaIrene's POV
Nanatili ako sa duyan ng aming bakuran nang makaalis si Carlos. Sinabi ko sa kanyang sa isang araw nalang kami lumuwas patungong Maynila. Sinabi niyang pwedeng bukas na ngunit hindi ako pumayag.
Kailangan ko pang ipag-paalam ito kay Nanang at isa pa...umaasa akong baka dumating na si Lucas kinabukasan.
Nang marinig ko ang pagpasok ni Nanang sa loob ng bahay ay tumayo na ako dala-dala ang baso ng ubos na gatas.
"Irene? Hain ka?"
"Nang, narito po ako sa bakuran. Papasok na po ako." Sagot ko naman.
Narinig ko ang paglabas ni Nanang sa mga nabili niyang gamit sa bayan. Sumandal ako sa mesa namin habang nakikinig.
"Binilhan kita anak nitong gatas na pambuntis para hindi na bearbrand ang iinumin mo. Isa nga lang ang nabili kong bitamina pero mas maigi na itong meron...huwag kang mag-alala at kapag nakuha ko na ang bayad sa pagtatapis ko ay dadagdagan natin ito." Masayang sabi ni Nanang.
Hindi ko napigilang ngumiti.
"Ito anak, oh, dalawang bagong bestida. Hindi pa naman ito para sa malalaki na ang tiyan kaya sukat na sukat ito sa'yo." Sabi pa niya habang inaabot sa kamay ko ang bestida na pakiramdam ko ay kakaiba ang disenyo.
"Nang.. Gusto ko pong pumunta ng Maynila." Natigilan si Nanang sa kanyang ginagawa nang marinig ang kanina ko pang kinikimkim.
"Irene, anak..."
"Nagprisinta po si Carlos na sasamahan tayo doon. Gusto ko pong sumama." Seryosong sabi ko.
Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Nanang.
"Dahil ba ito kay Lucas, anak?"
Nakagat ko labi ko habang pinipigilan ang namumuong luha.
"Kung iyan ang makakapag-pasaya sa'yo anak, hindi naman ako tututol. Pero anak...nag-aalala ako para sa'yo. Ang Maynila, hindi iyon gaya dito sa lugar natin na tahimik lang. Magulo doon."
"Pero Nang, nandito nga po ako sa tahimik nating lugar ngunit gulong-gulo naman ang isipan ko." Tumulo ang mainit na luha sa aking pisngi. "Nang... Alam ko pong sinabi kong kaya ko mag-hintay pero... Ang hirap po pala Nang.. Gustong-gusto ko na po siyang makasama.. Hindi ko na po matiis.." Tuluyan akong humikbi.
Mabilis na humakbang palapit sakin si Nanang upang yakapin at aluin ako.
"Alam ko anak.. Alam ko.. Mahal na mahal mo si Lucas at alam kong ganoon din siya sa'yo anak. Nakikita ko iyon sa mga mata niya. Pero kung ganitong nahihirapan ka...sige anak, puntahan mo na siya." Napasinghap ako sa huling sinabi ni Nanang.
"T-Talaga po Nang?"
"Ibalita mo sa kanyang magiging ama na siya dahil nag-dadalang tao na ang magayunong dilag na iniirog niya." Hindi ko napigilang ngumiti habang humihikbi dahil kay Nanang.
Suminghot ako at mas niyakap pa siya ng mahigpit.
"Thank you po Nanang..." Humihikbi kong sambit.
Kinabukasan ay inubos namin ni Nanang ang oras sa pag-iimpake ng aking gamit. Nakakalungkot mang isipin na nag-iimpake ako ngayon dahil wala talagang Lucas na dumating ay pinilit ko pa ring maging masaya. Tutal naman ay bukas mag-kikita na kami dahil ako ang pupunta sa kanya.
"Ayan, mabuti at may naitago pa akong bag didi. Alam mo ba anak na ito rin ang ginamit ko noong kabataan ko nang nagpunta ako sa Maynila.." Malambing na humalakhak si Nanang.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...