Chapter 38

916 39 29
                                    

Warning: SPG

Take Back

Mahal niya ako.

Iyon ang hindi nagpatulog sakin buong magdamag. Habang nakahiga sa kama at nakatulala sa kisame ay nagpaulit-ulit ang mga katagang binitawan ni LA sa aking isip. Ang halik niya sakin at ang mga tingin niya sakin.

At sa tuwing naiisip ko iyon ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Ito na ba ang panahon upang tuluyang mag-simula uli? Tuluyang kalimutan ang lahat?

Ngunit bago ang lahat gusto ko ring malaman kung matatanggap ba ni LA si Ceyda.. Bago ang lahat...anak ko muna ang mauuna.

Hinilot ko ang sentido ko sa pag-iisip.

Naku naman!!!

Si Ceyda!!

Nawala na sa isip kong tumawag!

Napabalikwas ako sa kama upang hanapin ang aking phone para makatawag na ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito huling nilagay.

Naghanap ako sa maleta, sa bawat cabinet, sa kama at kung saan-saang sulok ng kwarto pero hindi ko ito makita!

Kagabi...

Tama! Nung nagpunta kami ni LA sa farm ay dala ko pa iyon! Pero dahil abala kahapon ay hindi ko na naalala pa. Naku naman, Irene!

Masyado na yatang naghahari si LA sa isip ko!

Hindi ko pa naman kabisado ang numero ni Yuri kaya kailangan ko talagang mahanap iyon!

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto kahit pa nakita ko sa orasan na ala una na ng madaling araw. Babalikan ko nalang iyong pinuntahan namin nung isang gabi.

Sa fountain kaya?

Panay ang isip ko habang naglalakad patungo sa kanilang grand staircase.

"Shit!"

Natigil ako sa paglalakad at mabilis na napalingon sa lalaking nagsalita!

Nakaawang ang labi ni LA habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin. Nakawhite-shirt lamang siya at naka-pajamas. Habang ako...

Shit!!! Shit talaga!!!

Nalimutan kong magbihis!

Naka-roba lang ako!

Sa pag-iisip ko kanina habang nasa bathtub ay wala sa sarili akong nahiga sa kama matapos maligo! Irene! Ano bang nangyayari sa'yo?!

Mabilis akong napayakap sa dibdib ko dahil bukod sa silk ang tela nitong roba ay medyo manipis pa!

"S-sorry!"

"What are you doing out here wearing that?!" Pabulong niyang singhal sakin.

Napatingin ako sa kanya nang magsimula siyang maglakad palapit sakin. Doon ko nakita ang isang baso ng gatas na hawak niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na hinila sa daan pabalik sa aking kwarto.

"Sorry.. Nawawala kasi yung cellphone ko. K-kailangan kong hanapin." Nakanguso kong sinabi.

"Sana nagbihis ka muna! Paano kung sila Geo ang nakakita sa'yo? They might lose their fucking job for fuck sake!" Aniya at inis na tumingin sa daan.

"Sorry..." Nahihiya kong sinabi.

Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng kwarto at sabay kaming pumasok doon.

"When did you lose your phone?" Tanong niya pagkatapos bitawan ang kamay ko.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon