PapaKasama sila Marie ay dumiretcho kami sa ospital na sinabi ni Carlos. Mabuti nalang at alam iyon ni Kuya Mike kaya hindi kami nahirapan pang mag-hanap.
Habang nasa byahe ay panay na ang tingin ko sa phone ko tungkol sa balitang na-ospital ang Papa ni Lucas.
Halos manlabo na ang mata ko dahil sa luha ngunit pinilit ko pa ring basahin ang isang article. Doon ko nalamang tatlong taon na rin pala ang nakalipas nang ma-stroke ang Papa niya na naging dahilan ng pag ka-paralyze ng kalahati ng kanyang katawan.
Mga bagay na wala akong kaalam-alam. At masakit isipin na gaya noon, hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa mga importanteng bagay na nangyayari kay Lucas.
Pakiramdam ko..sarili ko lang ang iniisip ko. Pakiramdam ko nagkulang ako..
"Ma'am tahan na po.." Sinubukan akong pakalmahin ni Marie ngunit hindi ko iyon magawa.
Dahil alam ko sa sarili ko na isa lang ang dahilan kung bakit sinugod sa ospital ang Papa ni Lucas. Nararamdaman kong dahil iyon samin.
Pinunasan ko ang luha ko nang iparada na ni Kuya Mike ang kotse sa tapat ng malaking ospital na iyon. Binuhat ko si Ceyda at bumaba na sa kotse.
Sumunod naman agad sakin si Marie nang pumunta ako sa Emergency Room.
"Excuse me miss, pwede ko ho bang malaman kung nasaan si Mr. Noire?" Tanong ko sa isang nurse sa nurse's station.
"Relative po ng patient?" Tanong niya.
"O-oo." Kinagat ko ang labi ko.
"Mr. Noire, Senior... Nasa ICU na po ang pasyente miss." Sagot niya sakin.
Mabilis akong napakurap.
"M-miss asan ang ICU?" Garalgal kong tanong.
"Third floor po-" hindi ko na natapos ang sasabihin niya nang mabilis akong humakbang patungo sa elevator. Sumakay kami doon nila Marie at habang nag-hihintay ay mahigpit kong niyakap si Ceyda.
Panay ang kabog ng dibdib ko lalo pa nang bumukas na ang elevator para sa aming pag-baba. Dumiretcho kami sa isang hallway. Malaki ang ospital na ito kaya natagalan din ako sa paghahanap ngunit nang makita ko ang isang pamilyar na babae ay bigla akong natigil sa paglalakad.
Si Coleen iyon na kakalabas lang mula sa isang kwarto. Halatang mamahalin ang mga suot niya mula damit hanggang sa kanyang high heels. Nakita ko pa pati ang marahan niyang pag-pahid sa kanyang luha. Lalapit na sana ako nang biglang bumukas ulit ang pinto. Si ma'am Adriana naman ang lumabas mula doon.
Kitang-kita ko kung gaano siya kalungkot. Ang nakasanayan kong nakikitang aura sa kanya ay napintahan ng pagiging problemado.
Lumunok ako at huminga ng malalim. Hindi ako pwedeng tumayo lang dito dahil kailangan ako ni Lucas. Hindi pwedeng siya lang ang labis na mahirapan. Relasyon namin 'tong dalawa kaya dapat lang na kaming dalawa din ang umayos.
Humakbang ako kasabay ng biglang pagkulit ni Ceyda. Sumubok siyang mag-salita kaya agad niyang nakuha ang atensyon ng dalawa. Muntik pa akong matapilok dahil sa gulat nang tumingin sila ngunit tinibayan ko ang loob ko.
Nagpatuloy ako sa pag-lapit kahit pa halos nanlilisik na ang mga mata sakin ni Coleen.
"M-Ma'am Adriana.." Hirap na hirap kong sinabi nang tuluyang makalapit.
Napalingon ako sa kwarto kung saan sila nangaling. May glass window sa pinto kaya naman nasilip ko ang loob. At doon ko nakitang nakayuko si Lucas sa kamay ng kanyang Papa na walang malay. At kahit malayo ako sa kanila ay ramdam ko kung gaano kalungkot si Lucas. Ramdam ko ang pang-hihina niya.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...