HappinessPinunasan ni Lucas ang luha sa aking pisngi. Pagod niya akong tiningnan.
"I'm gonna take you home." Napapaos niyang sinabi bago ako inalalayan papunta sa kaniyang kotse.
Maski si Ceyda ay panay ang tingin sakin. Hinahawakan niya rin ang pisngi ko at marahan akong tinatawag.
"Mommy's okay baby.. Don't worry.." Pinilit kong ngumiti para kay Ceyda at hinalikan ko ang pisngi niya.
At pagtingin ko kay Lucas ay naabutan ko siyang napapalunok na nakatingin sakin. Binuksan niya na pala ang front seat para sakin at inaantay akong pumasok!
Sumakay ako doon at pinanood din ang pag-sakay niya sa driver's seat.
Nakatulala ako sa labas nang magsimulang magmaneho si Lucas. Si Ceyda naman ay pinagbuksan ko ng buttered-biscuit at hinayaan siyang kumain.
Ilang buntong hininga ang narinig ko mula kay Lucas. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin. Ako man ay gusto siyang kausapin pero parang naubusan ako ng lakas para mag-salita. At isa pa..hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.
Sa mga nalaman ko ngayon ay parang wala na akong ibang gustong gawin pa kundi ang umuwi at mag-pahinga. Ayoko na munang mag-isip lalo pa't naguguluhan na ako sa desisyon kong pag-alis namin ni Ceyda ng bansa.
Ngunit nang mapansin ko na iba ang nililikuan ni Lucas ay hindi ko na napigilang sulyapan siya. Seryosong-seryoso siya sa pag-mamaneho.
"L-Lucas.. Ibang daan yata ito.." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Hindi niya man lang ako tiningnan. Gamit ang isang niyang libreng kamay ay hinawakan niya ang noo ko at pinasandal akong muli sa upuan.
"Relax okay?" Sambit niya at nag-patuloy sa pag-mamaneho.
Dahil mukang hindi siya magpapatinag, wala akong nagawa kundi ang tumingin sa labas para alamin kung nasaan na kami.
Ayoko namang kulitin siya o di kaya'y agawin ang manibela sa kanya. Bukod sa hindi ako marunong mag-maneho ay baka mabunggo pa kami.
May nakita akong mall na Venice Plaza ang pangalan nang iliko niya kotse papasok sa isang magarang subdivision.
Muli akong napasulyap sa kanya ngunit seryoso pa rin siya.
Ilang sandali pa ay tumapat na kami sa isang matangkad at malapad na gate. Isang gwardiya pa ang nag-bukas nito para tuluyang maipasok ni Lucas ang kotse sa loob.
"Lucas.. A-asan na tayo?" Tanong kong hindi niya pinansin.
May tinawagan siya sa kayang telepono habang pinapark niya ang kotse. Sinubukan ko iyong pakinggan ngunit nang tuluyan siyang lumabas ay hindi ko na narinig pa ang sinasabi niya sa kausap.
Isang mabilis na tawag lang iyon dahil nang pag-buksan niya ako ng pinto ay wala na siyang kausap.
"I told you, I'm taking you home." Sabi niya habang inaalalayan kami ni Ceyda pababa ng kotse.
Isang malawak na lupain ang tumambad samin. At sa gitna noon ay isang malaking bahay na moderno ang disenyo. Pansin ko ang pinagkaiba nito sa mga karaniwang malalaking bahay na nakikita ko sa Manila. Hindi lang kasi basta moderno ang disenyo nito kundi nahahaluan rin ng iba't-ibang wall plants ang ilang parte.
Inalis ko muna ang pag-kamangha at binalik sa ulirat ang sarili. Muli kong hinarap si Lucas at mariin siyang tiningnan.
"Nag-bibiro ka ba? Hindi kami dito nakatira!" Singhal ko.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...