Chapter 10

1.2K 42 10
                                    

Ang Tanong

Irene's POV

Hindi na ako nakapag-salita pa habang kumakain kami. Kahit panay ang daldal niya, ang tanging nagagawa ko lang ay tumango.

"Ang sarap talaga ng luto ni Nanang. Pero wag ka mag-selos dahil masarap din naman ang luto mo, Buls." Pabiro niyang sinabi.

Gaya kanina ay tanging ngiti at tango lang ang nasagot ko.

"Uh.. Tapos ka na?" Tanong ko pag-katapos ng ilang sandali.

"Mm-mm.." Nang marinig iyon kahit hindi pa siya tapos sumagot ay mabilis ko nang dinampot ang kanyang pinggan. Naramdaman ko ang pag-agap ni Lucas. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at inagaw sakin ang pinggan.

"Ako na diyan. Ako na ang mag-huhugas. Samahan mo nalang ako sa kusina, okay?" Malambing niyang sinabi.

Natigilan ako habang pinapakinggan ang pag-kilos niya. Kakaibang-kakaiba. At iba rin ang epekto sakin.

Ako, hirap na hirap sa bawat minutong lumilipas pero si Lucas? Mukang wala lang at masayang-masaya..bagay na mas lalong nag-papagulo sa isip ko.

Alam kong pinapunta siya rito sa bahay dahil mapag-laro siya at hindi marunong mag-seryoso...

Ngayon ba...pinag-lalaruan niya rin ako?

Isa ba ito sa mga biro niya?

"Ilalagay ko lang ito sa lababo. Don't stand up yet. Wait for me to hold you." Sambit niya bago ko narinig ang yapak niya patungong kusina.

Bumuntong hininga ako.

Ilang sandali pa ay mas mabilis na yapak niya ang narinig ko pabalik.

"Halika na, Buls. Panuorin mo na kung paano ako mag-hugas." Aniya at humalahak. Umirap ako at ngumuso.

Ilang sandali pa ay hinawakan na niya ang kamay ko. Inalalayan niya akong tumayo pero hindi ko na napigilan ang sariling pag-bugso ng damdamin. Nahihilo na ako sa mga naiisip at ang pag-hawak niya sa akin ay nag-padoble pa rito.

Inagaw ko sa kanya ang kamay ko at tinahak ko ang daan papunta sa labas ng bahay. Kailangan ko ng hangin dahil parang nauubusan ako nito.

"T-Teka..Buls.." Tawag niya, tila gulat dahil sa iba ako pumunta.

"Gusto mong mag-hugas di'ba? Ikaw na ang mag-hugas doon, ayokong sumama." Sambit ko at diretcho lang sa pag-lakad. Nagdadasal na sana ay huwag mabunggo sa kung saan.

Narinig ko ang pag-sunod niya sakin.

"Hey.." Tawag niya sa nag-aalalang boses ngunit hindi ako huminto.

"I-Irene.." Sinubukan niyang hawakan ang braso ko ngunit sa bilis ko ay hindi niya nagawa. Tuluyan na akong nakalabas ng bahay, ramdam ko iyon dahil sa simoy ng hangin at sa tunog ng mga dahon sa puno.

Nang mahawakan niya ang braso ko ay mabilis ko itong inagaw sa kanya.

"Irene.. M-May problema ba?" Tanong niya, muli sa nag-aalalang boses.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon