Chapter 8

1.1K 41 2
                                    

Ang Bulalakaw

Irene's POV

*tug dug* tug dug* *tug dug*

Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko!

Ano ba naman, Irene! Hindi ka na nga makakita, ngayon naman nabibingi ka pa?

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang matapos ang kanyang halik. Napalunok ako nang maramdamang ganoon pa rin ang lapit niya sakin.

"Ano? Gusto mo bang nag-seseryoso ako?" Napapaos niyang tanong.

Napakurap-kurap ako. Ang labi kong nakaawang ay tinikom ko. Bahagya kong tinulak si Lucas at umayos akong muli ng upo.

Nahihilo ako sa nararamdaman. Ni hindi ako makapag-isip ng maayos!

"A-Ah.. Y-Yung labahan natin L-Lucas.." Nahihiya kong sinabi dahil wala na akong maisip pang pwedeng sabihin.

Pinakiramdaman ko siya at para akong nakahinga ng maayos nang maramdaman ko siyang bumalik sa kanyang pwesto, sa tabi ko.

Parang tuod akong kumilos na ayusin ang aming lalabhan. Kung sa mga normal na araw ay paniguradong gagaan ang pakiramdam ko sa magandang simoy ng hangin sa ilog at sa nakakatuwang tunog ng agos ng tubig nito pero ngayon? Pakiramdam ko ang sikip sikip.. Pakiramdam ko hindi ako makakakilos ng maayos.

Tinulungan niya rin ako gaya ng usapan namin. Pero kahit inaalalayan na niya ako ay hindi pa rin ako makapag-salita. Mabuti nalang talaga at dumating si Nanang noong tanghali na iyon.

Pakiramdam ko si Nanang ang nag-ligtas sa akin mula sa nakakahiyang oras na iyon!

Iyon ang laman ng isip ko buong araw..

Ang akala ko sa araw lang..akala ko lang pala. Inabot kasi hanggang gabi ang pag-iisip ko! Dahil kahit tulog na si Nanang sa tabi ko ay hindi pa rin ako pinapatulog ng pag-iisip!

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang labi..

Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang pag-lapat ng labi ni Lucas dito.. At ang masama pa, nararamdaman ko pa maski ang pakiramdam noon!

Mariin akong napapikit lalo pa nang maalala ang hawak niya!

Ano ba itong nangyayari sakin!

Bumangon ako mula sa kama at dahan-dahang tumayo upang hindi magising si Nanang. Naisip kong uminom ng tubig para mahimasmasan sa mga naiisip. Hindi ko alam kung anong oras na, at kung aabutin ako ng umaga na ganito pa rin ay baka maisip ko nang hindi na ako normal.

Lumakad ako nang tahimik papunta sa kusina at kumuha ng baso. Nilagyan ko ito ng tubig mula sa aming malaking banga at tinungga iyon.

Sana naman ngayon ay makatulog na ako. At sana mawala na sa isip ko iyong ginawa ni Lucas!

Ni hindi ko nga alam kung bakit niya iyon ginawa! O kung anong nasa isip niya nung mga panahon na iyon!

"A-Anong ginagawa mo?"

"Nag-seseryoso."

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon