Ang Bisita
Irene's POV
"It's crazy...I'm falling in love with you.. Na para bang hindi ko pa ito naramdaman noon. Pano mo to nagagawa? Hmm? Ang pabilisin ang tibok nito?" Bulong sakin ni Lucas.
Nakahilig ako sa kanyang tabi habang siya naman ay nakapangalumbaba habang nakatagilid sakin. Pareho kaming nakahiga sa kama. Ngumiti ako. Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya kung sana'y totoo ito.
"Pakiramdam ko tuloy...ginagayuma mo ako Buls. Pero, kung ganoon nga. Ayaw ko nang tumigil ka. Gusto kong manatili sa tabi mo. Gusto kong alagaan ka. Gusto kong ako ang magbukas ng paningin mo, hindi lang sa mga bagay na hindi mo pa nakikita kundi pati sa pag-ibig na hindi mo pa nararamdaman." Bumuntong hininga siya, "Kung sana ay hahayaan mo ako."
Lumalim din ang paghinga ko at mas lalo akong pumikit. Humimbing lalo ang pagtulog ko nang halikan niya ang noo ko. Kung ganito lagi ang panaginip...mahihirapan siguro akong gumising.
At hindi nga ako nagkamali. Tinanghali ako ng gising. Bakit ba kasi iyon ang panaginip ko? Dahil ba iyon sa kakaiwas ko kay Lucas? Namimiss ko na ba siya? Tinampal-tampal ko ang pisngi ko! Hindi ka naman umiiwas Irene...nagiingat ka lang.
Kinapa ko na ang tungkod ko at inayos ang sarili. Inayos ko din muna ang aking hinigaan bago lumabas ng kwarto.
"Nang?" Hinanap ko kagad si Nanang kasi alam kong may trabaho nanaman siya ngayon at kung andito pa siya ibig sabihin mali ako ng akala na tinanghali ako ng gising.
"Nang??" Tawag ko ulit.
"Umalis na si Nanang, Buls." Sabi sakin ni Lucas na mukang nakatayo sa may hamba ng pintuan.
Humarap ako sa direksyon kung nasaan siya.
"Asan na siya?" Tanong ko sa kanya.
"Pumasok na kanina pa, ginigising na nga kita kanina e pero ayaw mong gumising. Tulog mantika!" Sigaw niya sakin.
Sumimangot ako at inalis ang tingin ko sa kanya. Dumiretso ako papunta sa kusina pero narinig kong sinundan niya ako. Ang mga yapak niya ay mabigat mula sa likod ko.
Hinilamusan ko ang mukha ko gamit ang inipong tubig sa aming banga. Nagsipilyo din ako na lagi ko nang kinagawian simula nang dumating si Lucas. Nang matapos ako ay pinakiramdam ko ang galaw niya sa gilid di kalayuan sakin.
"Magluto ka na Buls! Gutom na ako!" Sigaw niya sakin.
Nalaglag ang panga ko sa utos niya! Hindi pa rin talaga siya natututo! At bakit ang aga-aga'y ang sungit niya?! Mukang kailangan ko siyang bigyan ng leksyon huh? Hinarap ko siya habang nakakunot ang noo.
"Kung gutom kana edi magluto ka magisa mo!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Bakit ba ang sungit sungit mo? Ilang araw na yan ah?" Singhal niya sakin.
"Bakit ba ang dami mong tanong? At ano naman kung masungit ako?! Akala mo siguro gaya ako ng mga babae sa Maynila ano? Pasensya na pero nagkakamali ka! Ang mabuti pa, magluto ka nalang nang tumigil ka sa kakatanong!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Ngayon ay ramdam ko nang lumiliit ang pagitan namin sa isat-isa.
"Ipagluto mo ako, hindi ako marunong!" Napapikit ako sa sigaw niya. Oo nga pala't hindi ko pa siya natuturuan ng pagluluto. Puro gawaing bahay at bukid lang gaya ng pagwawalis at pagkuha ng mga gulay ang naituro ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...