Ang Sugat
Irene's POV
Nakakahiya! Kung hindi lang siguro tumalsik mula sa kamay ko ang sapatos niya ay hindi rin ako mauuwi sa paliligo kasabay niya!
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya lalo pa nang buhusan niya ako ng tubig!
Napaka-pilyo talaga niya!
Ngumuso ako habang nilalagay niya sakin ang tuwalyang dapat na sakanya sana nang matapos kami. Bahagya niyang pinunasan ang aking ulo hanggang sa mukha ko naman ang marahan niyang pinunasan. Napapikit ako nang tamaan nito ang ilong ko. Naririnig ko ang pag-tikhim niya at hindi ko mapigilang kabahan.
"Lucas.."
"Hmm?"
"Pwede n-namang ako na.." Gusto ko nang agawin mula sa kanya ang tuwalya kung hindi lang nanghihina ang aking mga kamay at braso.
Nilagay niya sa aking magkabilang balikat ang tuwalya, tinatakpan ang kabuuan ng aking likod hanggang dibdib.
"Ako na." Malumanay niyang sagot ngunit may diin.
Hindi ko napigilang ngumuso. Kakaibang katahimikan ang nag-hari habang inaayos niya ang tuwalya dahilan para sumibol ang kaba sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay kanina pa nakatingin sakin si Lucas at hindi ko alam kung paano tatakasan iyon.
Umihip ang pang-umagang hangin at mas lalong tumindig ang balahibo ko dahil rinig na rinig ko ang tunog sa paligid maliban lang kay Lucas.
Sumabay sa hangin ang buhok ko at naharangan ng ilang hibla nito ang aking pisngi. Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang pagdampi ng kanyang daliri sa aking pisngi dahil sa pag-ayos niya ng aking buhok.
"Aah.. L-Lucas.. Tinatawag na yata tayo ni Nanang.." Hilaw akong ngumiti.
Narinig ko ang bahagya niyang pag-galaw.
"Wala naman akong naririnig.." Nanunuya niyang sinabi.
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko! Wala naman siyang ginagawang masama o mali pero bakit ganito nalang ang kaba ko?
"M-Meron!" Singhal ko.
Mahina siyang tumawa.
"Alright, if you say so. Mukang kinakabahan ka eh.." Kinalabit niya ang ilong ko, "Wala pa nga akong ginagawa." Tunog nanunuya niyang sinabi.
"Anong kinakabahan? Bakit naman ako kakabahan?" Hinawakan ko ang dulo ng tuwalya upang mas higpitan ang pag-kakatabon nito sa balikat ko. Iniwas ko ang mukha ko sa banda niya.
"Hindi ko alam.. Maybe..finally..nakikita mo na ako.."
Hilaw akong tumawa.
"Lucas, nagbibiro ka ba? Kahit anong gawin mo, hindi kita makikita."
"May iba pa namang paraan.."
"Paraan?" Nagtaas ako ng kilay.
"Mm.. Para makita mo ako."
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomansaLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...