Meet upKinabukasan ng magulong gabing iyon ay pinapunta ko si Paula sa bahay. Ang totoo kasi niyan ay hindi ako pinatulog ng mga sinabi sakin ni Lucas kaya wala akong nagawa buong gabi kundi ang mag-isip.
At ngayon...nakapag-desisyon na ako.
"Ano?! Resign? Pero may kontrata ka sa MejorVino! At next month na irerelease yung photoshoot niyo!" Singhal ni Pih-pih habang nilalaro ni Ceyda ang hikaw niyang butterfly. Nag-presinta kasi siyang kargahin ang anak ko.
"Yes, Pih. Ayos lang naman sakin na ituloy nilang i-launch yung first project. But...I really need to resign. Kahit mag-bayad nalang ako ng damage." Tumayo ako sa mula sofa upang pantayan ang nakatayong si Pih-pih at sinubuan ko ng biscuit si Ceyda.
"My goodness gracious sis! Ako kasi ang nag-ayos ng kontrata mo eh." Aniya at madramang hinawa ang kanyang buhok kahit maiksi ito. "The damage fee is 1M! Ano? Kaya mo bang ilagay sa alanganin ang future ni Ceyda? Irene, maganda naman ang career mo sa MV wines. Bakit ka ba mag-reresign?" Dagdag niya pa.
Natigilan ako sa sinabi ni Paula. One million?! May savings ako pero masyadong masakit kung mababawasan iyon ng isang milyon lalo pa't ako lang mag-isa ang bumubuhay kay Ceyda.
"Sis! Hello? Bakit ka mag-reresign?" Pumitik-pitik si Paula sa harap ko kaya bumalik ako sa huwisyo.
"LA is my ex."
Nalaglag ang panga niya.
"Ex?! That freaking hot rich adonis is your ex?!" Tumawa si Ceyda dahil sa pagtili ni Paula.
"O-oo eh.." Sagot ko.
"Hoy Irene ah, wala man sa tabi mo ang manager mo, malawak pa rin ang pandinig ko! I heard nagkakamabutihan kayong dalawa! So kung ex mo siya at naglalandian kayo bakit di kayo mag-balikan at bat ka pa magreresign?!" Nagtaas siya ng kilay.
"Ah! Alam ko na. Magreresign ka kasi ayaw ka na niyang ipagtrabaho ano?" Panunuya niya sakin ngunit agad ko siyang inirapan.
"Pih! Hindi! Ex ko siya pero hindi ko alam dahil hindi ko pa naman siya nakikita noon! Plus he didn't tell me his real name! Just LA Gonzalo! Wala akong kaide-ideyang siya na pala iyon."
"Baka kasi gusto ka nga ulit! Naiwan ka pa sa Barcelona diba? Anong ginawa niya sa'yo dun?"
Agad nag-init ang pisngi ko.
"H-ha?"
"Sa Barcelona? Ano? Umamin ba siya na gusto ka niya? You know...nag-pacute ba sa'yo?"
"O-oo.."
"Jusko!!! Ano pa hinihintay mo?! Sunggab na!" Aniya at nababaliw na humalakhak.
"Pih.. Pinapunta kita dito dahil gusto kong sabihin sa'yo na magreresign na ako. I can't have a romantic relationship with him. Sige, sasaluhin ko nalang yung 1M damage fee. I just need to do it as soon as possible. Babalik kami ni Ceyda sa America." Paliwanag ko at muling sinubuan si Ceyda ng Milky biscuit.
"Well.. I guesss I know now. It's for personal reasons at naiintindihan kita, sis. Ang advice ko lang ha, kausapin mo muna yang ex mo. Magpaalam ka ng maayos. He's still your boss after all. Isa pa, malay mo bawasan yung damage fee? Dabuh?" Ngiti niya sakin.
Suminghot naman ako at tumango sa kanya.
"Hoy wag ka umarte diyan na parang di na tayo magkikita! Ako pa rin mag-mamanage sa'yo abroad pag may offer don! LDR nga lang tayo." Aniya at humalakhak.
Umalis si Paula dalawang oras matapos dumating si Carlos. Kahit na wala na siyang ginagawa at nakatambay lang at ilang tawag na ang nangulit sa kanya ay talagang inantay niya ang pagdating ni Carlos. Sumabay pa samin mag-hapunan!
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomansaLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...