Chapter 34

922 41 42
                                    


Boss

Sinigurado kong ayos na ang lahat para kay Ceyda bago ako umalis ng bahay. Buong araw kasi akong mawawala dahil sa photoshoot ngayon at ayokong mamroblema si Marie habang wala ako.

"Tara na, Irene! Baka ma-late tayo! Aayusan ka pa!" Singhal ni Paula pagkalabas ko ng kwarto.

Narito siya dahil nagpresinta siyang susunduin ako.

"Oo na, tulog na si Ceyda.." Ngumiti ako at sinenyasan na si Marie na bantayan si Ceyda sa kwarto.

Nakangiti naman siyang tumugon.

Nagmadali na kami ni Paula papunta sa kanyang kotse. Sa Makati ang building ng MV wines at aniya doon na daw mismo gaganapin ang photoshoot.

"Ako lang ba mag-isa, Pih?"

"May kasama ka sa unang shoot. Pang mga posters yata ito pero sa Calendar ikaw lang mag-isa." Paliwanag niya.

Tumango naman ako bilang sagot.

Dahil malapit lang ang condo ko sa Makati ay mabilis kaming nakarating sa opisina ng MV wines.

Dumiretcho kami sa 7th floor kung saan ginawang tila studio ang isang seminar room. Naroon na ang mga photographers ang wardrobe, ang make-up artist at ibang staff.

"Ito na ba ang bagong mukha ng MV, Paula? Ang ganda!" Ani ng make-up artist na sumalubong samin.

Hinawakan naman ni Paula ang balikat ko at tumango-tango.

"Thank you!" Ngiti ko naman pabalik.

Pinag-palit muna nila ako ng damit bago ayusan. Isang puting bestida ang isusuot ko at kailangan ay naka-paa lang ako. Ang buhok ko ay nilugay lang at nilagyan ng malalaking kulot. Nang matapos sa pag-aayos ng buhok ay saka ako nilagyan ng make-up.

Kung tutuusin ay pwedeng si Paula na ang gumawa nun pero dahil mayaman ang MV ay kumuha sila ng iba.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin habang inaantay ang tawag ng photographer na kausap pa ni Paula.

"Hi!" Napatalon ako nang may magsalita sa gilid ko.

Isang morenong lalaki na malaki ang katawan. Naka-topless siya at naka maong na pantalon at gaya ko ay nakayapak lang din siya.

"Mukang ikaw ang kasama ko sa shoot.." Ngisi niya sakin.

Saka ko lang napagtanto na...lalaki ang kasama ko!

"A-ako nga." Hilaw akong humalakhak!

Bakit ba hindi agad ito sinabi ni Paula! Alam niya sigurong tatanggi ako! Pero sa tinagal ko sa trabaho na ito, nahasa na rin akong makisabay sa ibang modelo at ilang beses na rin akong pinayuhan ni Yuri na huwag ma-aawkward lalo na kapag may lalaking kasama dahil trabaho lang ito..

"Bago ka lang ba? Ngayon lang yata kita nakita. I'm Dwight by the way." Aniya at naglahad ng kamay. Tinanggap ko ito at mabilis na nakipag-kamay sa kanya.

"Irene. Medyo bago nga, sa California kasi ako nag-start." Ngumiti naman ako.

"Really? Bakit ka umalis? International ka na sana."

"Hindi naman, sa local magazine lang doon ako nagtrabaho." Nahihiya akong ngumiti. "Tsaka usually pang parenthood ang magazine na pinagmomodeluhan ko."

"Mabuti nga't napadpad ka rito, atleast nakilala kita. So ibig sabihin first time mong mag-model na may partner at medyo daring?"

"Uh.. Oo eh.."

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon