Ang Pagpupumiglas
Irene's POV
Sa pag- lipas ng mga araw ay saka lang nanunuot sakin na talagang hindi nalang kami ni Nanang ang mag-kasama. Talagang may Lucas na..
Mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa..iyon nga lang, mas lalo rin siyang naging pilyo! Panay ang pangungulit niya sakin at nahihinto lang sa tuwing nariyan si Nanang!
Syempre, hindi ako mag-papatalo! Kaya gaya ngayon ay gaganti ako.
"Oh anak, ang aga mo yata bumangon." Narinig ko ang boses ni Nanang pag-kalabas ko ng kwarto. Handang-handa na para sa binabalak.
"Normal naman po ang ganito sa tuwing...mag-lalaba tayo, hindi po ba?" Binulong ko ang huli.
"Ano kamo anak?"
Ngumiti ako kay Nanang kahit pakiramdam ko ay malayo siya sakin.
"Um.. Tuwing.. Mag-lalaba po." Hilaw akong tumawa.
"Aba'y ako na ang bahala sa labahin, anak. Huwag ka nang mag-abala." Umawang ang labi ko sa narinig. Kahit kailan talaga si Nanang, sobrang maalagain.
"Pero Nang, di'ba po maraming pagawa ngayon sa tapisan? Pagod na nga po kayo doon, mapapagod pa kayo rito? Isa pa..nakiusap po sakin si Lucas na turuan ko siya sa pag-lalaba."
Kinagat ko ang labi ko dahil sa kasinungalingang sinabi.
"Sigurado kayo, anak? Hindi ba masyadong mahirap ito para kay Lucas?"
"Nanang naman, nagbibiro yata. Wala pa nga akong mahirap na pinapagawa riyan kay Lucas!"
Humalahak si Nanang.
"Kahapon kasi ay nagreklamo iyon na sumakit ang balat dahil sa pag-papaani mo sa kaniya ng mga mais. Bakit naman kasi sa tanghali niyo iyon ginawa."
"Kasalanan niya po iyon, Nanang. Pinag-susuot ko siya ng mahabang damit na naiwan rito ni kuya Enteng pero ayaw niya, mas pinili pang mag-hubad ng pang itaas. Ayan tuloy." Hindi ko napigilang ngumisi.
"Aba't nakakatuwa kayong dalawa. Mukang mag-kasundo na talaga kayo anak ha?"
Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Tutal hindi ko rin naman alam kung nag-kakasundo ba kami ng Lucas na iyon o tanging kabaliktaran lang.
Pero aaminin ko..masaya akong kasama namin siya rito. Masaya akong nakilala ko siya.. At kung papipiliin ako ay mas gusto ko itong narito siya.. (Kahit pa minsan ay sakit siya sa ulo!)
"Oh pano, Nang? Gisingin ko lang po ha? Mukang humihilik pa po eh."
Humagikhik man si Nanang ay nag-patuloy pa rin ako sa pag-hakbang patungo sa kwarto ni Lucas.
Ngumisi ako para sa tagumpay na plano.
"Lucas?" Malumanay kong bulong at mas lalong ngumisi nang hindi siya sumagot. Tulog pa ngang talaga.
Tuluyan kong nilampasan ang kurtinang pinto at humakbang palapit sa kama niya.
"Lucas.." Pabulong kong tawag sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...