Chapter 29

832 39 17
                                    


Ang Pag-aayos

Dahan-dahan akong nag-mulat nang magising mula sa pag-tulog ngunit nang maalala ang huling pangyayari ay mabilis akong napabangon at napahawak sa aking tiyan.

"Carlos?! Carlos?!" Naluluha kong sambit.

"Irene.. I-I'm here.." Agad niyang hinawakan ang pisngi ko kaya naramdaman kong nasa tabi lang siya ng kamang hinihigaan ko.

"A-anong nangyari, Carlos? Nasaan tayo?" Tanong ko. Nagdadasal na sana panaginip lang ang lahat.

"Nawalan ka ng malay kaya sinugod kita sa ospital, I." Marahan niyang sagot habang pinupunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi. "Anong nararamdaman mo? Nahihilo ka pa ba? Nagugutom ka ba?" Sunod-sunod niyang tanong.

Nasagot ko naman ang una ngunit natigil ako sa pag-sasalita nang biglang makarinig ng pag-bukas ng pinto.

"Patient Irene De Vera, right?" Magarang tanong ng isang lalaki.

"Yes, Doc." Sagot naman ni Carlos.

"Mr. Montenegro, the baby's fine. Na-trigger lang siguro ng mahabang byahe and stress that's why she blocked-out. But don't worry, everything's normal. I suggest complete bed rest for her for the next two days and make sure to consult an Ob-Gyne." Paliwanag ng doktor.

Hindi ko napigilang lumuha sa saya nang marinig na maayos ang anghel sa aking sinapupunan.

"Mr. Montenegro? Your baby is fine, you should be happy!" Pabirong tugon ng doktor. "Anyway, I'll go ahead? Take care of yourself, Irene. The first trimester is the most crucial time for pregnancy." Aniya bago humakbang paalis.

Tumango ako habang pinapakiramdaman sa tabi ko si Carlos. Ilang beses kong narinig ang pag-buntong hininga niya.

Doon ko naalalang hindi niya pa pala alam ang tungkol dito!!!

Mabilis na kumabog ang puso ko nang marinig ko ang pagsuntok niya sa isang matigas na pader! Ilang beses siyang nagmura bago lumapit sakin.

"I-Irene.. Bakit hindi mo sinabi sakin na buntis ka?"

Tumulo ang maiinit na luha sa aking pisngi.

"Sana mas inalagaan kita! Sana hindi na kita dinala dito!" Mariin niyang sinabi na tila nag-sisisi.

Mabilis akong umiling. Kung hindi niya ako dinala rito, hindi ko malalaman ang lahat! At kung hindi ako umalis samin ay sigurado akong gagawa ng paraan si mama upang hindi kami magkita ni Lucas...walang kasalanan si Carlos.

"A-ang totoo niyan C-Carlos..gusto ko sanang si L-Lucas ang unang makaalam."

Narinig ko ang mahina niyang pag-mura. Mas lalo akong humikbi.

"Carlos.. A-alam kong kasalanan ito. Alam kong m-mali ito p-pero...ayokong mawala ang anak ko sakin, Carlos. H-hindi ko na kakayanin k-kung pati siya ay mawawala sakin.." Nagtuloy-tuloy ang pag-luha ko. Humikbi ako habang hinahawakan ang tiyan.

Hindi kumibo si Carlos kaya mas lalo akong naiyak.. Ngunit ilang sandali lang ay narinig ko na ang pag-galaw niya at naramdaman ang pag-upo niya sa kama.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon