Ang Sundo
Irene's POV
Napabalikwas ako sa kama nang makarinig ng ingay mula sa labas. Kahit pagod at masakit ang buong katawan ko sa buong araw na pag-langoy namin ni Lucas kahapon ay pinilit ko pa ring bumangon.
Dumiretso ako sa kusina upang maghilamos sandali at agad na naglakad patungo sa pintuan.
"I said I'm not coming with you! Get out of here!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pagsigaw ni Lucas.
"Sir this is an order from madame Adriana. You have to go back to Manila with us." Hindi ko kilala ang boses na iyon ngunit panlalaki.
"Lucas anak, makinig ka sa kanila.."
"Hindi po Nanang. Ako ang magdedesisyon kung kailan ako aalis at hindi ngayon iyon!"
"Sir sumama nalang ho kayo." Ibang boses naman ang narinig ko.
"Sabi nang hindi ako sasama! Umalis na kayo kung ayaw niyong masisante!"
"Masisisante kami kapag hindi kayo sumama samin, sir."
"Damn it! You three go back to Manila and tell my parents that I am not going home yet! Tell them to wait!"
"Anak..."
"Sir pasensya na po pero ito ang mariing utos ng iyong mama. Hindi kami aalis nang hindi kayo kasama."
Nanikip ang dibdib ko habang nakikinig sa pag-tatalo nila. Alam ko namang darating ang araw na ito pero hindi ko inakalang magiging ganito kabilis...at ganito ka-hirap.
Nilunok ko ang lahat ng bumabara sa aking lalamunan at nilakad ang kaunting distansya patungo sa labas ng bahay.
"Nang...ano pong nang-yayari?" Pakiramdam ko ay nakuha ko ang atensyon ng lahat.
"Irene-"
"Anak-"
Sabay na nagsalita ang si Nanang at Lucas.
"Pinapa-uli na si Lucas sa Maynila, anak. Gusto na siyang makasama ng kanyang magulang." Si Nanang. Lumapit siya sakin at hinawakan ang braso ko.
"But I'm not going anywhere. I'll stay here, I wanna stay here." Hinawakan ni Lucas ang aking mga kamay. Tila sinisugaradong hindi siya aalis.
"Pero sir Lucas-"
"Shut up!"
Napabuntong hininga ako. Masarap sana sa pakiramdam iyon ngunit alam kong mali. Hindi ko pwedeng ipagdamot si Lucas sa kanyang mga magulang. Hindi ko siya pwedeng ikulong rito dahil lang sa gusto ko siyang makasama.
Pumikit ako habang hinahawakan ang kamay ni Lucas.
"Lucas...u-umuwi ka na." Hirap na hirap kong sinabi.
Nag-init ang gilid ng mga mata ko ngunit hindi ko iyon pinahalata. Muli kong nilunok ang nagbabara sa aking lalamunan at nag-ayos ng tindig.
"What? Irene don't ask me to do that! You can't make me." Marahas siyang bumuntong hininga.
"Lucas anak, ang tahanan namin ay laging bukas para sa'yo. Kahit na kailan mo gusto anak...sa ngayon ay mas mabuting sundin mo ang mga magulang mo." Malambing na sambit naman ni Nanang.
"Nang, please...ayoko po." Nawawalan ng pag-asa niyang sagot.
Parang tinutusok-tusok ng karayom ang aking puso habang naririnig ko ang pag-mamakaawa ni Lucas. Gustong gusto ko na siyang itakbo sa loob ng bahay at itago pero...mali iyon.
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
Storie d'amoreLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...