Chapter 23

885 34 15
                                    

Ang Sakit

Irene's POV

"Irene, anak. Gising na. Hindi ba't tutungo kayo ngayon nila Carlos sa bayan?" Boses ni Nanang ang narinig ko.

Humikab ako at nag-unat.

"Opo Nang. Anong oras na po ba?" Napapaos kong tanong bago mabigat na bumangon. Hinanap ko ang suklay na agad namang inabot sakin ni Nanang.

"Alas nueve na, anak." Sagot niya.

Marahan niyang inagaw sakin ang hawak ko at siya na ang nagpatuloy sa pagsuklay ng aking mahabang buhok.

Si Lucas kaya? Gising na? Panay kasi ang kwentuhan namin kagabi sa labas kaya gabing-gabi na kami nakatulog!

"Si Lucas, hinahanda na ang mesa." Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Bigla akong nagising!

"T-Talaga po?" Nahihiya kong sinabi. Nakakahiya naman talaga dahil daig na daig pa ako ni Lucas! Dapat ako ang gumagawa ng mga iyon!

Marahang humalakhak si Nanang.

"Aba'y oo anak. Natutuwa talaga ako sa pinagbabago niya. Alam ko namang mabait na bata iyang si Lucas dahil parehong mabait ang mga magulang niya. Sa nakasanayan niya sigurong karangyaan kaya naman ay nakagawa siya ng kasalanan sa Ama." Masayang kwento ni Nanang.

Napakagat ako sa labi ko habang nagdadalawang isip.

"Um.. Nang.. Tingin niyo po ba'y magugustuhan ako ng magulang ni Lucas?" Tanong ko gamit ang maliliit na boses. Kinakabahan.

"Anak, mabuting tao sina Adriana at Lucas, kahit na amo ko sila ay hindi nila ako pinakitaan ng kahit na anong masama bagkus ay ginalang pa nila ako bilang nakakatanda sa kanila. Hindi mahalaga sa kanila ang yaman o estado ng isang tao para lamang magustuhan nila. Siguradong magugustuhan ka nila, Anak." Aniya sabay hawak sa kamay ko. "Gaya ng pagkagusto sa'yo ni Lucas." Dagdag niya pa.

Hindi ko napigilang ngumiti. Dahil doon ay parang gumaan ang pakiramdam ko.

"Lucas din po ang pangalan ng papa ni Lucas?" Tanong ko.

"Oo anak, tulad sila ng Ama niya." Natatawang sagot naman ni Nanang.

Tumango naman ako at ngumiti.

"Halika na Anak, huwag na natin pag-antayin ang manugang ko." Pabirong humalakhak si Nanang.

"Nanang!!" Uminit ang pisngi ko! Pero hindi ko rin napigilang ngumiti habang palabas ng kwarto. Pinauna ko si Nanang na lumabas upang makabawi ako sa pag-pigil ng ngiti.

Nang makahinga ng maayos ay saka ko pinagpatuloy ang paglakad ko papuntang kusina.

"Good morning, baby." Salubong sakin ni Lucas.

"Good morning..." Maliliit na boses kong bati sa kanya.

"Sorry napuyat yata kita kagabi.." Nahihiya niyang bulong.

"H-ha? Hindi, ayos lang. Kung hindi mo naman ako niyaya sa labas ay baka ako ang nag-yaya sa'yo." Ngisi ko.

"Talaga Buls? Aayain mo ako?" Mapanukso niyang tanong.

"Oo, kapag tinigilan mo ang kakatawag sakin ng Buls!" Nginusuan ko siya at nilampasan ngunit agad niyang hinawakan ang braso ko.

"I'll try." Humalakhak siya. "Let's eat?"

Bumuntong hininga ako at nginitian siya.

"Okay Beks..." Ngisi ko.

"Tsk!"

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon