Chapter 26

850 39 21
                                    


Ang Desisyon

Irene's POV

"Anak, gusto mo bang sumama sa akin sa kabilang baryo? Ayaw man kita iwan dito, masyadong marami ang nagpapagawa ng tapis ngayon doon, kulang sila sa tao." Sabi ni Nanang nang maka-upo siya sa papag na hinihigaan ko.

Tatlong araw na mula nang umalis si Lucas, tatlong araw na rin medyo mabigat ang pakiramdam ko. Sa tingin ko'y nararamdaman iyon ni Nanang kaya minabuti kong bumangon nalang.

"Sige po, Nanang. Sasamahan ko po kayo." Ngumiti ako kahit hilaw ito.

"Huwag ka nang malungkot anak. Pati ako'y nahahawa sa iyo. Dalawang araw na lang anak, dadating na si Lucas." Hinagod niya ang aking likod.

"Hindi na po talaga ako makapag-antay Nang.. Salamat po." Ngiti ko sa kanya.

Inalalayan niya ako sa paglabas sa kwarto. Tapos na rin naman kami mananghalian kaya naligo na ako agad upang makapanhik na kami patungo sa kabilang baryo.

Dala-dala ang isang bayong ay nagsimula kaming maglakad ni Nanang paalis. Ngunit di pa man nangangalahati ang pag-lakad namin ay hinahapo na ako sa hingal.

"Nang, ayos lang po ba kung mag-pahinga tayo sandali? Medyo napapagod po ako." Paalam ko kay Nanang.

Agad niyang dinapo ang kanyang kamay sa aking leeg at noo.

"Mabuti at wara ka naman sin lagnat. Sige, magpahinga tayo sandali at napapagod rin ako." Tumawa si Nanang bago hinawakan ang kamay ko at inalalayang maupo sa isang malaking bato.

Ilang minuto kaming nagpahinga bago pinagpatuloy ang paglalakad. Pagkarating sa kabilang baryo akala ko mababawasan ang lungkot ko ngunit mas lalo lang itong nadagdagan. Halos lahat silang naroon ay panay ang hanap kay Lucas. Panay din tuloy ang paliwanag ko. Nang naging abala sila ay humanap ako ng pagkakataong lumabas mula sa kwarto kung saan sila nagtatrabaho.

"Uy, hi Irene!" Boses ni kuya Enteng ang narinig ko nang mag-muni muni ako sa hardin.

"Hello, Kuya Enteng." Ngumiti ako kahit hindi nakatingin sa direksyon niya.

"Umalis na si poging ser?"

"Oo kuya, pero babalik din iyon." Ngumiti ako.

"Ay okay yun! Si Avenna nga rin umalis na. Si ser Carlos, Irene nakikita mo ba?" Tanong niya.

"Kuya Enteng naman eeh.." Nakanguso kong tugon.

"Ay oo nga pala." Humagikhik siya. "Soreh, peace! Kasi laging nadaan si ser Carlos sa daan papunta sa inyo eh, baka sainyo siya dumidiretcho pagkagaling niyang bayan."

Kumunot ang noo ko.

"Kuya, ilang araw nang hindi dumadaan si Carlos samin. Sigurado ka po ba?"

"Oo naman! Isa lang naman ang tungo ng masukal na daan na dinadaanan ni ser...sainyo lang." Halakhak niya.

Ang mga sinabi ni kuya Enteng ang gumulo sa aking isip hanggang sa makauwi kami ni Nanang. Saan kaya pumupunta si Carlos? Naalala ko ang huli naming pag-uusap at hindi maganda ang kinalabasan noon.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon