Chapter 20

1K 44 26
                                    

WARNING: SPG!
-------------
Ang Kubo-kubo

Irene's POV

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil narito na si Lucas sa tabi ko. Masaktan man ako kung maabutan ko sila dito ni Ave ay hindi ko na iyon isasatinig. Ang mahalaga ay narito na ako.

Pero nang sabihin ni Lucas na umuwi na si Ave ay parang hinahaplos ang puso ko. Pakiramdam ko, kontentong kontento na ako.

"Irene, basang basa ka na. Wala ka bang dalang extrang damit? Baka magkasakit ka niyan." Nag-aalalang sabi ni Lucas.

Ngayong nabanggit niya...wala akong dalang kahit na ano. At nang kapain ko ang sarili ay talagang basang basa na ang bestida ko!

"N-nag mamadali kasi a-ako kaya...wala na akong nadala." Maliit na boses kong sinabi.

Hindi nagsalita si Lucas. Pakiramdam ko nakatingin lang siya sakin kaya iniwas ko ang mukha ko sa direksyon niya.

Narinig ko ang pagkilos niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong ginagawa niya kaso nahihiya pa akong mag-salita.

"Here... Nakita kong nakatupi sa ibabaw nung maliit na mesa. Okay lang bang gamitin ito?" Inabot sakin ni Lucas ang tela na gaya ng sa mga tapis.

"Oo, siguro ay naiwan ito ni Nanang at nalimutan nang kuhain. Dito kasi kami naglalaba noon. Bukod sa mas malinis at malalim ang tubig, wala pang tao." Nakagat ko ang labi ko sa kadaldalan ko! Nakakahiya!

"Alright, alright. You change first. Mamaya na ako makikinig sa kwento mo kapag kumportable na ang suot mo." Nakabuklat na nang maayos ang tapis nang iabot niya ito uli sakin.

Uminit tuloy ang pisngi ko. Nahihiya talaga ako!

"Irene...uh... You need to remove your dress." Napapaos na sinabi ni Lucas.

Mas lalo akong pinaginitan ng pisngi! Pakiramdam ko kumakalat na ang init na iyon sa aking katawan dahil sa kahihiyan!

"Ah..O-oo. W-wag kang titingin!" Sininghalan ko siya kahit na halos manginig na ang boses ko sa hiya.

Narinig ko ang marahang pagtawa niya kaya napayuko ako!

"Okay, I won't. Yet." Nanlaki ang mga mata ko! Kahit naman hindi ako nakapasok sa escuela ay nakakaintindi din naman ako ng ingles!

"Ano?!" Kinunot ko ang noo ko nang harapin si Lucas.

Humalakhak siya at pinindot ang kurba sa aking noo para mawala iyon.

"Magbihis na sabi Buls! Tigas ng ulo." Halakhak niya.

Nakanguso ko siyang tinalikuran. Bahala na nga siya! Hindi naman ako maghuhubad ng tuluyan eh! Ito lang namang bestida. Iyon nga lang wala rin akong saplot pang itaas dahil may foam na ang binibiling bestida sakin ni Nanang upang hindi na ako mahirapan sa pagbbra...bahala na nga!

Isinuot ko muna sa sarili ko ang tapis at sa loob n'on ay saka ko hinubad ang bestida. Nang matapos ay hinigpitan ko ang pagkakabuhol nito sa aking dibdib.

"Done?" Rinig kong sabi ni Lucas.

Hinarap ko siya at humakbang ako palapit sa kanya. Inangat ko ang kamay ko para kapain sana siya at nangiti ako nang likuran niya ang makapa ko.

Nakatalikod siya sakin habang nagbibihis ako...

Napatalon ako nang bigla niya akong harapin! Sa sobrang gulat ay muntik na akong matumba! Agad namang hinawakan ni Lucas ang aking bewang at diniin ako sa kanya. Sa sobrang lapit ko ay tumama na ang mukha ko sa kanyang makisig na dibdib.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon