Chapter 18

944 35 15
                                    

Ang Kababata ni Buls

Lucas' POV

Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Avenna. Gustong gusto kong mapatikim ng carbonara si Buls pero naitapon ko ang kinuha ko kanina nang makita kong may dumidikit sa kanyang lalake!

Si Carlos. Akala ko ba si Enteng lang? Bakit kailangan may Carlos pa? Tsk!

"Matagal niyo nang kakilala ang Carlos na 'yon?" Inis na tanong ko kay Ave.

Humagikhik siya at kumuha na ng panibagong plato para sa carbonara.

"Oo, alam mo bang close sila ni Irene? Sobra! Kaya panigurado mas magiging malapit silang dalawa..." Ngisi niya.

Kumunot ang noo ko!

"S-silang dalawa? Bakit silang dalawa lang? Hindi ba kayo close nun?" Napalunok ako.

"Close naman kaso...noon pa yun. Isa pa, magiging busy ako syempre. Sayo." Humagikhik muli siya habang hinahaplos ang braso ko.

Agad ko iyong iniwas sa kanya. Nagulat siya pero agad ding bumawi.

"Isa pa, may naudlot silang relasyon. Hindi nila matutuloy iyon kapag palagi akong didikit sa kanila." Nagkibit siya ng balikat at nagpatuloy sa pagkuha ng Carbonara.

Parang nanikip ang dibdib ko sa narinig. Naudlot na relasyon? Ang sabi niya si Enteng ang first love niya?!

Kung ganoon, kailangang lagi akong nakadikit kay Irene para hindi nila matuloy kung ano man ang sinasabi nitong Avenna na ito!

Kung kailan naman ako nag-sabing manliligaw ako saka pa sumulpot yang Carlos na yan! Teka, hindi nga ganoon ang plano ko ng pag-paalam manligaw eh! Dapat sa may Ilog kung saan kami unang nagkita!

Kainis!

Nang matapos lagyan ni Ave ang unang plato ay umalis na ako agad. Hindi ko na siya kayang antayin dahil nangangati na akong balikan si Buls! Kasama niya pa naman ang Carlos na 'yon!

"Lucas! Antay-"

"Si Irene, pupuntahan ko na." Simpleng paalam ko kay Ave habang mabilis na naglakad palabas.

Pero wala pa man ako sa mesa nila ay para na akong sinisilaban ng apoy sa inis! She's dancing with him! Nawala lang ako sandali, nagsasayaw na sila! Damn it!

Wala akong nagawa kundi ang padabog na umupo sa upuan malapit kila Nanang. Binabati pa ako ng mga kasama niya pero di ko sila nagawang ngitian man lang. I was too busy and mad watching the blind lady dancing with the stupid boy!

Yeah...Stupid boy!

Kung noon ay may relasyon na sila, bakit pa siya umalis?! Kung ako siya, hinding hindi ko iiwan si Irene! Hinding hindi ako aalis sa tabi niya! Kahit anong mangayari mananatili ako sa kanya!

Pero ang lalaking kasayaw niya ngayon? Iniwan siya! Tanga! At dahil tapos na ang oras mo, sisiguraduhin kong hanggang doon ka nalang. Sa nakaaraan!

Pero hindi ko pa siguro masisimulan ngayon...kainis si Buls eh! Kinuhaan na nga ng pagkain, pagseselosin pa ako? Tsk!

Bumalik siyang mag-isa sa mesa. Buti naman dahil kung kasama niya pa ang Carlos na iyon ay di ko mapipigilang magsimula ng away.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon