Did you feel it?Magdamag ako sa kwarto. Nahihiya ako sa inasta ko kay LA. Kung bakit ko naalala si Lucas ay hindi ko alam pero hindi naman yata tama ang ginawa ko kanina.
Hinayaan ko siyang halikan niya ako at pagkatapos ay tinakbuhan ko siya! Hindi ba, isa iyong malaking kahibangan? Ano kayang iniisip niya sakin ngayon?
At paano ko iyon maipapaliwanag?
Napatalon ako nang biglang may kumatok sa aking pinto!
Balak ko pa naman sanang tawagan si Yuri o di kaya'y si Pih-Pih para humingi ng advice pero mukang huli na yata ako!
Wala akong nagawa kundi bumangon sa kama matapos ang ikatlong katok.
Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto at nakahinga nang maluwag nang isang batang kasambahay ang nakita.
"Senyorita, dinner is ready. Senyorito is waiting for you downstairs." Hirap na ingles niyang sinabi.
"O-okay. Can you lead me the way, please?" Ngiti ko.
"Sí, senyorita." Aniya at nagpumauna nang naglakad.
Kabang-kaba ako habang sumusunod sa kasambahay. Pakiramdam ko hindi ko kayang tingnan sa mga mata si LA. Nahihiya pa rin ako sa kanya!
Sa isang parihabang mesa sa dining room ng mansyon ay nakaupo si LA at nag-aantay. Halos mag-tago pa ako sa likod ng kasambahay para lang hindi niya makita pero wala akong kawala!
"Gracias, Margarita. You can leave us now." Sambit ni LA na agad namang sinunod ng babae.
Umubo ako ng pasimple at nakayukong umupo sa upuan.
Nagsimula siyang maglagay ng pagkain sa aking pinggan na siyang ikinagulat ko! Gusto ko siyang pigilan dahil nakakahiya ngunit wala na akong nagawa kundi ang panuorin siyang seryoso sa ginagawa.
"U-uhm.. LA, yung nangyari kanina..."
"It's alright Irene. I understand." Putol niya sa pagsasalita ko.
Napatingin ako sa kanya at parang lumambot ang puso ko nang makita ko ang ngiti niya.
"S-sorry kung tumakbo ako.."
Tumango siya at tipid na ngumiti.
"It's okay.." Napapaos niyang sinabi bago nginuso ang aking pagkain.
Hindi ko alam na ganito lang pala ako kadali makakalusot sa ginawa ko kanina. Pero hindi pa rin ako kumbinsido, gusto ko pa rin sanang malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya...iyon nga lang, hindi ko alam kung papano.
At sa tuwing napapasulyap ako sa mga labi niya, hindi ko pa rin mapigilang bumilis ang tibok ng puso ko!
Nang matapos kaming kumain ay marahan akong uminom ng tubig. Humahanap ng tyempo para makapag-thank you at makaalis pabalik sa kwarto.
Nang punasan niya ng table ng napkin ang labi ay muli akong napaiwas ng tingin.
"LA-"
"Irene-"
Nag-init ang pisngi ko nang sabay pa kaming nagsalita!
"Sige, ikaw muna.." Nahihiya kong sambit.
"Um, uh... Gusto lang kitang tanungin kung gusto mong magpahangin muna sa labas.. Or are you already sleepy?"
BINABASA MO ANG
Love is Blind Literally
RomanceLucas Adamos Gonzalo Noire III had his heart broken and it turned him into a tempestuous scalawag. "BAD BOY". That two golden words almost became his last name. For years, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-lustay ng pera, mambabae at magbulak...