Chapter 16

969 39 18
                                    

Ang Nagbabalik

Irene's POV

Nang dumating ang sabado ay masayang-masaya si Nanang. Gusto niyang maaga kaming maghanda para sa pagpunta sa kabilang baryo kahit na hapon pa naman ang sayawan.

"Ibinili kita ng magandang damit anak. Ito ang isuot mo mamaya." Tumango ako sa kanya at ngumiti.

Hindi pa naman pyesta kaya nagtataka talaga ako sa mangyayari. Kung meron namang may kaarawan, sasabihin naman iyon agad ni Nanang. Pero kahit anong pilit ko sa kanya ngayon ay hindi niya ako sinasagot.

Inabot niya sakin ang isang bestida. Kinapa ko iyon at napansin ang pagiging maiksi noon. Hindi naman gaano ngunit mas maiksi sa mga normal kong bestida. Ang manggas ay mukang nakalaylay sa aking balikat kapag sinuot at nahahaluan ng garter ang sa bandang dibdib kaya paniguradong nakalapat ito sa akin.

"Salamat po Nang.." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Batid kong nakangiti rin siya.

"Nang! Okay na ba 'to?" Rinig kong sigaw ni Lucas mula sa labas. Nagpumilit kasi siya na susubukan ulit magluto!

"Ay! Sandali anak, tutungo ako riyan." Nagmamadaling lumabas si Nanang sa aming kwarto.

Napangiti ako at umiling. Hindi makapaniwala na ang isang matangkad at matipunong antipatikong tulad ni Lucas ay magagawang magluto ng adobong kangkong sa aming kusina! Ganoon ba talaga kadaling mag-bago? O sadyang kakailanganin mo ng matinding dahilan para simulan ito?

Inspirasyon? Iyon nga lang, dedepende din sa inspirasyon mo kung anong klaseng pagbabago ang mangyayari sayo. Mabuti ba o masama?

Masaya ako dahil mabuting pagbabago ang nangyari kay Lucas. Ngunit parang kinikiliti naman ang tiyan ko sa tuwing maiisip na ako at si Nanang ang kanyang naging inspirasyon.

Nagpalit na ako ng tapis para sa pagligo. Dinala ko na din ang basket ng sabon, shampoo at conditioner. Nang makadaan ako sa sala ay narinig ko pa ang pagtuturo ni Nanang kay Lucas at ang pagsangayon nito sa kanya.

"Irene! San ka? Malapit na maluto 'to!" Tumigil ako sa may pintuan nang marinig ang boses ni Lucas.

Ngumiti akong muli.

"Maliligo lang sandali, Lucas." Sagot ko habang nakatalikod sa kanya at nakahawak sa bandarilya ng pintuan.

"Bakit pa? Hindi naman ako nagrereklamo sa amoy mo ah? Mamaya ka nalang maligo, Buls!" Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya! Ang isiping inaamoy niya ako ay nakakapanindig balahibo!

"L-Lucas! Sandali lang ako, magantay ka nalang." Huminga ako ng malalim at nagsimula na ulit humakbang kahit pa nagreklamo siya.

"Tikman mo muna yung luto ko! Buls!" Sigaw niya pa pero hindi ko na pinansin. Lalo pa't narinig ko ang halakhak ni Nanang!

Tahimik akong naligo sa may poso. Panay ang ngisi dahil sa kakulitan ni Lucas. Ito na ata ang nagiging dahilan kung bakit ako masayang bumabangon sa araw-araw. Masarap sa pakiramdam pero tingin ko'y hindi rin maganda. Nasanay akong hindi sumasandal kahit na kanino, nasanay akong mag-isa kasama si Nanang pero ngayon...ayaw ko na atang mag-isa.

Love is Blind Literally Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon