Misty sa side ------------->
_____________________________________________________________________________
OPERATION 101- The Red Knights
Misty’s POV
Paakyat ako sa headquarters ng Red Knights. Nakatambay na naman kasi rito ang magaling kong boyfriend. Hindi ko na kasi sya naabutan kaninang umaga sa condo namin. Paano, tinanghali ako ng gising. At dahil alam ko namang condo-headquarters-school lang ang daily routine nya, alam kong dito ko sya matatagpuan kasi wala pa namang pasok ngayon.
Dire-diretso lang ako sa headquarters. Hindi na ako inusisa ng mga men in black sa basement dahil alam nila na ako, si Misty Montereal ay girlfriend ni Leander Sy na leader ng grupong Red Knights.
Pagpasok ko pa lang ng headquarters, tumambad sa akin ang pagmumukha ni Liam na problemadong-problemado.
“Where’s Lean?” Tanong ko sa kanya dahil hindi ko makita ang gwapong mukha ng boyfriend ko sa loob. Tanging nakakunot na noo at mahabang nguso lang ni Liam ang nakita ko.
“Mishty babe, patulong naman oh.” Akmang yayakapin nya ako pero tinulak ko yung noo nya. Hindi ko pa nga nayayakap si Lean ko tapos sya ang yayakap? Ano sya sinuswerte?
“Where’s Leander?” Tanong ko ulit sa kanya.
Nagkamot sya ng batok bago sumagot. “Bumili ng pagkain. Alam nya kashing didiretsho ka dito.” Bumalik sya sa upuan at muling pinroblema ang kaharap nyang laptop.
“Problema mo, Liampayatot?” Pang-aasar ko sa kanya. Hindi naman talaga sya payat pero compare sa seksing katawan ng Lean ko, sobrang payat nya.
“Nang-aashar ka na naman. Hug mo na lang ako, Mishty.” Tumayo sya at ini-spread ang mga braso nya. Lalapit sana sya nang biglang bumukas ang pinto.
“Hina-harass ka na naman ba ni Liam, babe?” Bungad ni Leander na may bitbit na pizza take-out from Yellow Cab pagkabukas nya ng pinto.
Agad ko syang sinalubong at niyakap. Ang bango-bango talaga ni Lean.
“Hey! Bakit hindi mo ako ginising kanina? Look, 10am na ako nagising. Kainis ka.” Kinurot ko yung ilong nya.
Ang tangos-tangos kasi ng ilong nya at ang saraaap kurutin kasi namumula agad. Mestizo kasi si Lean e. Half Chinese-Korean sya kaya sobrang singkit ng mga mata nya na kapag tumatawa sya, wala ka nang makikitang mata. At ang labi nya, sobrang pula dala na rin ng pagkamestizo nya. All in all, masasabi kong isa syang living greek god. Nagkatawang tao sa kanya si Adonis at syempre, nagkatawang tao si Venus sa akin. hohoho:D
“Makayakap Mishty, wagash? Ngayon lang nagkita?” Pambabara ni Liam sa akin. Kahit kailan talaga ‘tong payatot na ‘to panira ng lovelife.
“Pake mo? Babe, oh. Si Liam. Kanina pa ‘yan.” Sumbong ko kay Lean.
Tinawanan lang nya ako at kiniss sa noo saka umupo sa tabi ni Liam. Binelatan naman ako ni Liam. Isip-bata talaga ‘to kaya hanggang ngayon bulol sa ‘S’.
Di ko na lang pinansin si Liam. Pinagdiskitahan ko na lang yung Pizza na dala ni Lean.
Habang kumakain kami, biglang pumasok si Tee, short for Tam. Ayaw raw nya kasi ng Tam kasi pambabae raw. Maarte kasi yang nerd na yan e.
“May malaki tayong problema.” Bungad ni Tee pagkapasok na pagkapasok sa HQ. Ganda ng bati nya. Nakakaganang kumain.
Napatayo naman si Liam at si Leander. “Ano yun?” Sabi ni Lean habang lumalapit kay Tee.
Lumapit ako kay Lean at sinubuan sya ng pizza. Kinagatan naman nya ito at hinapit ako sa bewang. Kinikilig tuloy ako. Kahit 4 na taon na kaming magboyfriend-girlfriend, hindi pa rin naaalis sa akin ang pagkakilig sa kanya. Ganoon siguro talaga kapag mahal mo.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.