Author's note:
@JudyAnnPaulate- HAPPY BIRTHDAY SA'YO, FRIEND! MEHEHE~ SORRY NGAYON KO LANG NAPOST ITONG B-DAY GIFT KO SA'YO KUNG BDAY GIFT MAN ITONG MAITUTURING. WALEY NET KAGABI E. MEHEHEHE~
OY HAPPY BIRTHDAY ULIT! SALAMAT SA TREAT MO! SA UULITIN :P
_____________________________________________________________________________
OPERATION 137- His cold stare
Misty’s POV
“Woohooo!”
Napatakip ako ng tenga sa ingay na ginawa ng apat na lalakeng pinakaiinisan ko ngayon. Nasa bar kami ngayon at sinicelebrate NILA ang ginawa nila kay Andrei.
“Gago ‘yun. Sinapak ako kanina pagkaalis nyo, der. Leche ‘yun. Hinampas ko nga ng baseball bat. Hahaha.” Sabi ni Tee habang umiinom ng alak na kakaorder lang nila.
“Tsss. Magready tayo sa susunod. Reresbak ‘yung mga ‘yun. Ipaalala nyo sa akin na ititira natin ‘yung JJ na ‘yun ah? Humanda talaga ‘yun sa akin kapag nak-- ” Inakbayan ako ni Leander pero agad ko ring tinanggal. Galit ako sa kanya. At alam kong alam nya ‘yun.
Hindi na nya muli akong inakbayan at nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan habang ako … nakatulala lang sa kawalan.
Kamusta na kaya si Andrei? Ang alam ko lang kasi, matapos nilang bugbugin si Andrei, iniwan lang nila ito ng walang malay. Nung binalikan ko naman sya doon, wala na sya. Sana naman ay nadala sya sa ospital kung may nakakita man sa kanya. Sana naman ay hindi sya napuruhan tulad ng nangyari kay Leander noon.
Napainom tuloy ako ng vodka na kanina pa nasa harap ko kaya napatingin si Leander sa akin.
“Oh, gusto mo pa? Take it.” Ibinigay nya sa akin ang hawak nyang vodka pero tinabig ko ito. Natigil sa pagtatawanan sina Liam nang makita ang ginawa ko.
“Misty, kanina pa ako nagtitimpi sa’yo ah? Ano bang problema mo?!” Padabog nyang ibinaba ang hawak nyang vodka at hinawakan ang braso ko.
Sinamaan ko sya ng tingin kahit na natatakot ako. “Hindi na kita kilala, Leander. Nag-iba ka na. Hindi na kita kilala!” Sabi ko sa kanya na naluluha.
Totoo naman kasi. Hindi na sya ang Leander na kilala ko. Ang kilala kong Leander, hindi nananakit. Hindi sya warfreak. Pasensyoso sya at higit sa lahat, iniintindi nya lahat ng sitwasyon bago kumilos. Hindi katulad ng mga nasaksihan ko ngayon. Ilang buwan lang akong nawala pero ang bilis ng pagbabago nya.
“Misty ...” Binitiwan nya ang braso ko at ininom ang nilapag nyang vodka kanina. “Babe, okay, I’m sorry. Kung nagagalit ka kasi ginawa kitang kidnapped victim, well, I’m so sorry about that. It’s not my idea, okay? It’s Tee.” Hinawakan nya ang mga kamay ko at hinalikan ang mga ito. “Mission accomplished, babe. Tapos na ang mission mo kaya wala ka ng dahilan para bumalik doon.”
“Mission accomplished?”
“Yep. Di ba ‘yun naman ang plano mo? Ang iganti ako sa ginawa nila Andrei sa akin before? Well, tinulungan lang kita kaya ngayon, tapos na.” Sabi nya na parang wala lang ang ginawa nya kay Andrei.
“Y-you’re impossible, Leander.” Napailing ako sa inakto ni Leander.
“It’s your idea, anyway. Bakit ka nagagalit?”
Napatayo ako at tiningnan sya. “You almost kill him. Hindi naman ‘yun ang plano ko e. Ang plano ko is to make him fall for me and break his heart pero anong ginawa mo? Hindi mo naman kasi dapat ginawa ‘yun e. Paano kung mapatay mo sya? Paano ku--”
“Bakit? Nag-aalala ka sa kanya?” hinawakan ni Leander ang mga braso ko. “Wag mong sabihing nainlove ka sa kanya?” Tumayo rin sya at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.