OPERATION 132- Untitled

320 10 5
                                    

OPERATION 132- Untitled

Misty’s POV

Nakaawang ang labi ko habang tinititigan ang maliit na box na hawak ni Leander. Eto na. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang magpropose sa akin si Leander. Ilang taon ko itong hinintay at eto nga, ngayon, sa harapan ko, sa oras na ‘to ay nagpopropose si Leander sa akin.

“Babe.” Ngumiti ng pilit si Leander at lumingon kina Tito at Tita saka humarap ulit sa akin. “L-let’s get married.” Ulit nya sa sinabi nya na nautal pa.

Napatingin ako kay Liam na pinandidilatan na ako.

“Misty …” Tawag sa akin ni Leander na nasa tonong nagmamakaawa. “Let’s get married.” Ulit nya sa sinabi nya.

Napalunok ako.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ang utak ko ay pinagsisigawan na pumayag ako. Si Leander Sy na ‘to na nagpopropose sa akin. Ang nag-iisang lalakeng minahal ko ng apat taon. Ang lalakeng nagturo sa akin ng iba’t ibang bagay. My first in everything.

Pero bakit may part sa akin na bumubulong na ‘wag akong pumayag.

Naguguluhan ako.

Tumingin ako kay Leander na nakakunot na ang noo. “W-why so sudden?” Yun ang lumabas sa bibig ko.

Mas lalong kumunot ang noo ni Leander at umupo sa tabi ko. “Di ba eto ang gusto mo? Matagal mo ng gusto magsettle down tayo. Babe, eto na ‘yun. Nag-usap-usap na kami. I’ll still handle the group even we’re married. Babe …” Hinawakan nya ang mga kamay ko. “Di ba sabi mo nga noon, bakit pa natin patatagalin kung dun din naman ang tuloy. Let’s get married.”

Napalunok ako at  nakailang buntong hininga pa bago ko ipahayag ang saloobin ko kay Leander.

“L-leander.” Sabi ko sa kanya kaya napaharap na naman sya sa akin. Huminga ulit ako ng malalim at tiningnan ang mga mata nya. “I’ll marry you but not now. I mean …” Lumunok ako at napayuko dahil nakita ko ang pagkadismaya sa mukha nya. “Look, Leander. I think I need to sort some things out. I mean … I love you--” Sinalubong ko ang mga mata nya at hinawakan ang mga kamay nya na bumitaw sa akin kanina nang sinabi ko ang kaunting pagtutol ko. “I love you, I know you know that. But … I’m not yet ready. I-I don’t know. Big part of me wants to marry you but I don’t know why there is a small part that doesn’t approve it. G-gusto ko na magpakasal tayo na 100% desidido na ako. P-pero wag kang mag-alala. Ikaw ang pakakasalan ko. I just need time to reflect on myself anf fix some of my personal problems. C-can you give me at least few months to figure it out?” Tiningnan ko sya with hope na sana maintindihan nya ang sitwasyon ko.

Tumingin ako kina Tita Andrea na nag-aabang sa sasabihin ni Leander. Samantalang si Liam naman ay panay ang iling na tila disappointed sa sinabi ko.

I’m just being true to myself. Masama ba ‘yun? Ayoko lang naman na magsisisi ako sa huli dahil sa padalos-dalos kong desisyon. Ika nga ni Mommy, ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na basta-bastang isinusubo. There’s no turning back in marriage.

And besides, narealize ko na marami pa akong dapat ayusin bago kami magpakasal ni Leander. And one of those is Andrei.

Marahil sya ang dahilan ng pagtutol ko. Kahit anong tanggi ko na gusto ko si Andrei, alam kong alam ng puso ko na gusto ko sya. Kahit masyadong mabilis ang dalawang buwan na pagkakakilala namin, alam kong gusto ko na sya.

Kailangan ko munang matanggal ang nararamdaman ko para kay Andrei para hindi maging unfair kay Leander. Ayokong mahati sa kanilang dalawa ang puso ko. Kung papipiliin ako, pipiliin ko si Leander dahil sa tagal na ng relasyon namin, subok na ito at alam kong mas tatagal kami. At saka, ito naman talaga ang dapat dahil sa simula pa lang, mali na talaga ang sa amin ni Andrei. Sobrang mali at aminado akong kasalanan ko.

Operation: Make Him MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon