Author's Note:
Sorry po matagal ako nakapag-update. Dapat kagabi ko pa po ito ipopost pero walang wifi 'yung katabing bahay namin kaya hindi ako nakapag-online. Hahaha. Dakilang parasite lang po ako sa wifi na kabilang bahay namin. Mehehe~
P.S- Maraming salamat po sa mga nagbabasa nito. Kekeke~
__________________________________________________________________
OPERATION 135- Para malaman nila
“Mystery, hindi ganyan!” Pinalo ni Andrei ang kamay ko at kinuha ang knife na hawak ko. “Kababae mong tao hindi ka marunong maghiwa? Tsk.” Tinulak nya ako sa gilid at sya ang naghiwa ng sibuyas.
Pinanuod ko na lang sya maghiwa ng sibuyas. Pinagluluto nya kasi ako dahil gusto raw nyang matikman ang luto ko ngayong monthsary namin. Yun pala ang dahilan kung bakit sa grocery nya ako dinala. Tss.
“O ikaw naman dito sa garlic.” Ibinigay nya ulit sa akin ang knife at may kasama nang dalawang cloves ng garlic.
Hiniwa ko ang garlic tulad ng ginawa ni Andrei kanina sa onions. Ang arte kasi ni Andrei. Sabi ko sa kanya, hotdog na lang ang lutuin dahil yun lang ang alam ko pero hindi sya pumayag. Gusto raw nyang ipagluto ko sya ng masarap na pagkain parusa sa paglimot ko sa monthsary namin. Ang arte nya.
“Oh sht!”
Napahinto ako sa ginagawa ko nang biglang sumulpot si Andrei sa gilid ko at gusot na naman ang noong nakatingin sa akin.
“Mystery, hindi ganyan!” Kinuha na naman nya ang knife sa akin at sya ang nagdikdik ng garlic. “Hay nako, Mystery! Paano na kapag mag-asawa na tayo? Hindi ka marunong magluto. Ano ipapakain mo sa amin ng mga anak natin? Tsk.” Iiling-iling nyang sabi.
Natulala ako sa sinabi nya. Hindi ko iniexpect na sasabihin nya ito sa akin. Is he planning to marry me too?
“Mystery! Nakikinig ka ba?” Sigaw nya sa akin na nakapagpabalik ng pag-iisip ko.
“O-oo. S-sorry.” Sabi ko at tumingin sa ginagawa nya.
“Last na ‘to. Madali na lang ‘yan.” Binigay nya sa akin ang tatlong tomato at ipinahiwa.
Tss. Madali nga lang ‘to.
Hiniwa ko sya gaya ng itinuro sa aking paraan ni Tita Andrea sa paghihiwa ng tomato. Nung nagluluto kasi kami ni Tita Andrea, tomato rin ang pinahiwa nya sa akin.
Naghihiwa ako ng tomato nang narinig ko ang boses ni Jesse na may kausap sa phone.
“… ngena mo, James! Lul ka! Libog mo tanga!” Sigaw ni Jesse sa kausap habang pumapasok sa kitchen area.
James. Ang spy ng Dark Moon sa Red. Kausap na naman nila.
“Oh? Di nga? Chix, pre?” Boses ni Jesse. “Woah! Hahaha. Talaga? Di nga? Shit! Leander is one hella lucky bastard kung ganun.” Rinig ko pang sabi ni Jesse sabay labas ng kitchen area.
Napahinto ako nang marinig ko ang pangalan ni Leander. Bigla akong kinabahan. Anong tungkol kay Leander ang pinag-uusapan nila?
“You okay?” Tanong agad sa akin ni Andrei nang mapansing tumigil ako sa paghihiwa.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya at marahang tumango bago ipagpatuloy ang paghihiwa.
“Drei! Drei!” Patakbong lumapit si Jesse kay Andrei. “Ikakasal na raw si Leander. Ang ganda daw ng mapapangasawa nya sabi ni James.”
O_O
Napalunok ako. Oh shit! Nakaramdam na naman ako ng kaba.
Hindi ko ipinahalata na affected ako sa pinag-uusapan nila kahit ang totoo, sobrang kinakabahan ako. Pinagpatuloy ko lang ang paghihiwa pero nakikinig pa rin ako sa pinag-uusapan nila.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.