OPERATION L- Mine alone
Misty’s POV
Abala ang lahat sa paghahanda ng kasal ko. Kakapropose lang sa akin ni Leander kahapon. Hindi ko alam kung matagal na pinagplanuhan ni Leander ito o sadyang nagmamadali lang sya. Imagine, bukas na ang kasal ko. Gulat na gulat ako ng sinabi nya sa akin ang plano nya. Like, ora-orada, kasal agad. Wala naman na akong problema dahil si Leander na ang nag-aasikaso. Well, madali naman na sa kanya dahil kung anong preparation ang ginawa namin noon, yun ulit ang ginawa nya ngayon.
“Akyat lang ako sa taas. Call me if nandyan na ang parents mo.” Paalam sa akin ni Leander.
Tumango ako at muling ibinaling ang atensyon sa pagche-check ng list of guests namin. Nasa sala kasi ako at chinicheck kung sinu-sino ang mga inimbitahan ni Leander. Hinihintay ko sina Mommy dahil hindi naman sila nagpasundo sa amin. They said na magka-cab na lang sila. Medyo rush pa nga ang pag-uwi nila sa Pinas dahil nabigla rin sila nang tawagan ni Leander kahapon at tuluyan ngang sinabi na magpapakasal na kami.
“So you’re getting married?”
Napaayos ako ng upo ng marinig ko ang boses ni Andrei na nasa likod ko. Wala sya nang inanunsyo ni Leander kina Tita at Tito ang plano namin. I wonder kung paano nya nalaman. Well, hindi naman siguro imposible na malaman nya dahil nasa iisang bubong kami nakatira. At ngayong busy ang lahat sa paghahanda, hindi malabong hindi sya makaramdam sa nangyayari.
“Yes.” Malamig kong sabi at ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa. Hindi ko sya magawang lingunin dahil alam ko, sa boses pa lang nya ay tinititigan na nya ako ng matalim. I know how scary his eyes are so I won’t bother to look at them.
“Tss.” Naramdaman kong hinampas nya ang likod ng sofa na inuupuan ko at umikot para umupo sa harap ko. “Do you love him?”
Tiningnan ko sya and I saw how tensed his face is. “Yes.” That’s true. I love Leander but … ugh. I love him period.
“Do you love me?”
“Ye—Andrei! What kind of question is that? Magpapakasal na ako for God’s sake!” I hissed lowering my voice. Baka marinig kasi kami ni Leander at mag-away na naman sila.
Tumayo ako para lumayo sa kanya pero hindi pa ako nakakahakbang ay agad na nyang hinawakan ang braso ko. He was about to say something when someone shout in glee.
“We’re back~”
Sabay kaming napalingon ni Andrei sa pinto.
“M-mommy!” Agad akong pumiglas sa pagkakahawak ni Andrei at tumakbo papunta kay Mommy to give her a big hug. “God! I missed you so much!”
“We missed you too, baby.” She said and kissed my forehead.
Agad akong tumingin sa gilid and saw Daddy smiling while looking at us.
“Dad, I missed you too.” I said and give my dad a big hug.
“G-good afternoon po.”
Nahinto ako sa pagyakap kay Daddy when I heard him greet my parents. Agad akong kumalas sa yakap kay Dad para lingunin si Andrei na nasa harap na ni Mommy.
Napalunok ako. Anong nakain ni Andrei at binabati nya ang parents ko? For his information, we’re not good. Hindi kami okay ni Andrei so wala syang K batiin ang parents ko.
Spell AWKWARD?
Nilingon ako ni Mommy like she’s clueless about Andrei. “Ow. Who are you?” Curious na tanong ni Mom kay Andrei.
“I’m Andr--”
“Oh God! Leander, my son!” Hindi na napagtuunan ni Mommy si Andrei ng pansin nang nakita nyang pababa si Leander ng hagdan. Agad na tumakbo si Mommy and hugged Leander. Nasabi ko na bang si Leander talaga ang anak ni Mommy? Kung hindi pa, well yes. Ganyan sila ka-close. “How are you? Nakuu~ lalo kang gumwapo.” Tuwang-tuwang bati ni Mommy kay Leander.
BINABASA MO ANG
Operation: Make Him Mine
RandomA love story that starts in the wrong place, time and manner.